Facebook followers ni GABBI, pumalo na sa higit 12 million; proud ang fans sa bagong milestone
- Published on August 6, 2021
- by @peoplesbalita
MARAMI ang nagulat nang bigla na lang nawala ang laman ng Instagram account ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.
Ayon naman pala, magkakaroon ito ng isang transformation. At dito rin pinakita ni Ruru ang kanyang leaner physique.
Ang transformation ni Ruru ay kasama sa paghahanda niya sa upcoming Kapuso primetime series na ngayon ay ongoing ang lock-in taping.
“Si Lolong, nagtatrabaho siya sa bukuhan. Nagtatrabaho siya sa niyugan, umaakyat siya lagi sa puno, nangingisda siya. Doon sa lugar nila, hindi naman siya nagdyi-gym. That’s why I changed my diet din dito sa ‘Lolong.’ Binago ko rin ‘yung pagwo-workout ko,” ani Ruru.
Makakasama rin niya sa GMA Public Affairs series sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, at Jean Garcia.
Kaabang-abang din ang roles nina Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, at Ian de Leon. Kasali rin sa cast sina Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, Maui Taylor, Priscilla Almeda, at Leandro Baldemor.
Abangan sila sa dambuhalang action-adventure series ng taon, ang Lolong. Soon on GMA!
***
PROUD na proud ang fans ng Global Endorser na si Gabbi Garcia nang pumalo na sa higit 12 million ang Facebook followers niya.
Isang panibagong milestone ito para sa Kapuso star na isa sa mga artistang pinaka-sinusundan sa social media ng netizens!
Kamakailan din ay ni-launch ni Gabbi kasama ang boyfriend at fellow Kapuso artist na si Khalil Ramos ang sarili nilang food video channel na ‘Front-Seat Foodies’ kung saan mapapanood silang bumibisita sa iba’t ibang restaurants at nagro-roadtrip together.
Samantala, kasalukuyan pa ring napapanood si Gabbi bilang host ng programang In Real Life tuwing Huwebes sa GTV at tuwing Linggo sa All-Out Sundays sa GMA.
***
NAKAPAGTAPOS ng kanyang degree in Masters of Arts in Filipino mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang former sexy actor ng Seiko Films na si Dante Balboa.
Natapos ni Dante (Elmer Anisco sa tunay na buhay) ang kanyang master’s degree ng dalawang taon at kalahati. Napagsabay nga niya ang pag-aaral niya habang siya ay nagtuturo at inaasikaso ang kanyang sariling negosyo.
“I studied a lot because I want to have a meaningful and productive personal rewards every year. It’s just a matter of time management because since I was a kid, I always plan my life. Literally speaking, I always have a goal per week, per month, per year and per decade,” sey ni Dante.
At nasa plano pa rin daw ni Dante na kumuha pa ng ibang kurso habang kaya pa niyang mag-aral.
“I won’t stop my studies until I finished my doctoral degree. I’m planning to take my PhD in Filipino in Malikhaing Pagsulat in UP Diliman this coming school year and still do my advocacy for our country. Life is too short, I want to live my life to the fullest. I want to have a meaningful legacy when I’m gone.”
Nagsimula bilang model hanggang sa pasukin ni Dante ang pagpapa-sexy sa pelikula noong 2002. Naging contract star siya ng Seiko Films at ginawa niya ang mga pelikulang Kasiping, Temptasyon, Takaw-Tingin at Karelasyon.
Umarte rin sa ilang stage plays si Dante at naging professor siya sa Far Eastern University.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Tauhan ng Sayaff, tiklo sa Kyusi
ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa lungsod, kahapon (Miyerkoles) ng umaga. Kinilala ang suspek na si Adzman Tanjal, 32, may asawa, tubong Sabah, Malaysia at nakatira sa Libyan St., Salaam Compound, Barangay […]
-
Nang tanungin tungkol sa kinasasangkutang isyu: Ex-gf ni SANDRO na si ATASKA, ‘no comment’ na lang
WALA pa sa isip ni Alexa Ilacad ang maging isang ina sa tunay na buhay. Natanong siya tungkol dito dahil ang papel niya sa pelikulang ‘Mujigae’ ay bilang guardian, o tila pangalawang ina ni Mujigae played by child actress Ryrie Sophia. Ani Alexa, “But sa totoo lang po medyo namulat din ako sa […]
-
SCTEX nagtaas ng toll
NAGBIGAY na ng abiso ang pamunuan ng North Luzon Expressway Corp na siyang namamahala sa SCTEX na magkakaron ng pagtataas ng toll simula ngayon June 1. Binigyan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagtataas ng go-signal ng 78 centavos kada kilometro. Ang nasabing pagtataas ng toll ay naaayon sa confirmed periodic rate […]