• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas ammonia leak, 2 na ang patay – CDRRMO

Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi dahil sa ammonia leak na naitala sa TP Marcelo ice plant and cold storage sa Navotas City.

 

 

Mula sa isang namatay kagabi, dalawa na umano ngayon ang binawian ng buhay dahil sa naturang pangyayari.

 

 

Ang unang namatay ay nakilalang si Gilbert Tiangco, habang ang isa pa ay hindi muna inilabas ang pangalan, habang ipinapabatid pa sa kaniyang mga kaanak ang sinapit ng biktima.

 

 

Samantala, kinumpirma naman ni Vonne Villanueva ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na nakalabas na sa ospital ang mahigit 60 naapektuhan ng nalanghap na kemikal.

 

 

Paliwanag ni Villanueva, bumuti na ang kondisyon ng mga biktima kaya pinayagan na silang magpahinga sa kani-kanilang bahay.

 

 

Pero ang nasa 20 iba pa ay kailangan munang manatili sa pagamutan para sa karagdagang obserbasyon.

Other News
  • Pinoy boxer Charly Suarez may napili ng bagong makakalaban

    MAY napili na si Pinoy boxer Charly Suarez na susunod na makakahaap para makamit ang world boxing title.     Matapos kasi ang technical knockout na panalo niya kay Jorge Castaneda ng US noong Setyembre 20 ay may ilang nakalatag na boksingero kung sino ang makakaharap nito.     Ilan dito ay sina WBO junior […]

  • Ads May 25, 2023

  • Sotto at 36ers wagi sa Phoenix

    NAKABALIK sa porma ang Adelaide 36ers matapos pataubin ang Southeast Melbourne Phoenix, 100-92, kahapon sa 2022 National Basketball League (NBL) season sa Adelaide Entertainment Center sa Adelaide, Australia.     Nakapagtala lamang ang 7-foot-3 Pinoy cager na si Kai Sotto ng 4 points at 5 re­bounds para sa 36ers.     Hataw si Daniel Johnson […]