• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fajardo, 2 iba pang higante ‘tambay’ muna

LIBAN ang tatlong higante sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020, pero tiyak na hindi maglalaho ang kasabikan sa pagbukas nito sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

Sila ay sina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Gregory William Slaughter ng Barangay Ginebra San Miguel at Raymond Almazan ng Manila Electric Company (Meralco.)

 

Tinataya out sa buong season si Fajardo na may shin injury, si Almazan na may injured foot at ilang linggo pang mawawala.

 

Nagpasya naman si Slaughter na magbakasyon muna sa paglalaro matapos mag-expire ang kontrata nitong Enero.
Maski wala ang 7-foot slotman na si Slaughter, maganda ang preparasyon ng Gin Kings.

 

“We’re doing okay,” bulalas ni Ginebra governor/team manager Alfrancis Chua. “Nagpa-practice lahat, so far, so good. Our rookies are good. It depends na lang kay coach Tim (Cone) kung sino ila-lineup.”

 

Nanghinayang ang 12 governors o board representative na wala si Fajardo sa edisyong ito ng propesyonal na liga.
“I want to see the adjustment na gagawin ng San Miguel,” hirit ni Chua. “Nawalan sila ng June Mar, tignan natin ano gagawin.”

 

Ang five-peat ng Beermen sa all-Filipino, kinopo sa pamumuno ni The Kraken. (REC)

Other News
  • Supply ng bigas sa bansa, sapat hanggang sa pagtatapos ng El Niño

    KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sasapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa pagtatapos ng El Niño phenomenon sa Pilipinas sa susunod na taon.     Ito ang binigyang-diin ng pangulo kasunod ng kaniyang pakikipagpulong sa mga stakeholders ng industriya sa pangunuguna Private Sector Advisory Council at Philippine Rice Stakeholders Movement sa […]

  • Speaker Romualdez tiwala na maiangat ang NAIA bilang “world-class” standards

    NANINIWALA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang paglagda sa P170.6 billion Public Private Partnership concession agreement ay lalong magpapa-angat sa antas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maging isang “world-class” standard na paliparan. Sinabi ni Speaker Romualdez malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa kapag mapapabuti ang mga pasilidad sa loob ng paliparan, magpapalakas […]

  • PBA fans puwede na sa Araneta Coliseum

    Muling bubuksan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang pintuan para sa mga fans sa susunod na linggo.     Ito ay matapos bigyan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ng ‘go signal’ ang PBA para muling maglaro sa Smart Araneta Coliseum sa unang pagkakataon matapos ang 45th season opening noong Marso 8 ng 2020. […]