• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fajardo lalaro pa rin para sa ‘Pinas

PATUNGO na sa United States 41st National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021-22 Division I school na Fairleight Dickinson University Knights si Ella Patrice Fajardo, pero tiniyak nahindi niya tatalikdan ang paglalaro pa rin para sa Gilas Pilipinas sa hinaharap.

 

“Honestly, the feelings that I have for the Philippines like I know for a fact that that’s my blood, that’s my country… That’s why I feel like I’m gonna hover back to the Philippines because I think that’s where my heart is,” bigkas ng 17-year-old, 5-foot-6 Fil-Am cagebelle sa Bolero Sports vodcast nitong isang araw.

 

Kasama siya Philippine quintet na quarterfinalists sa Mongolia 7th International Basketball Federation (FIBA) 3×3 Under-18 World Cup 2019 at sa nag-bronze medal na PH squad sa Malaysia 5th FIBA Asia Cup for Girls U18 2019.

 

Asinta rin aniyang makasabak unang pro league sa ‘Pinas na magbubukas sa susunod na taong Women’s National Basketball League (WNBL). (REC)

Other News
  • 19 Pinoy athletes palaban sa Olympic Gold — Ramirez

    Habang papalapit ang Tokyo Olympic Games ay lalong lumalakas ang paniniwala ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na makakamit ng bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal.     Ito ay sa kabila ng matinding kompetisyon na sasabakan ng 19 Pinoy athletes sa kani-kanilang events sa quadrennial event na magsisimula sa Hulyo 23. […]

  • ‘Akyat-bahay’ utas, 2 parak sugatan sa engkuwentro

    UTAS ang isang hinihinalang “akyat bahay” suspek matapos umanong tumangging sumuko sa mga pulis habang nakikipag-agawan ng baril sa alagad ng batas sa Quezon City kahapon (Biyernes) ng madaling araw.   Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie S Montejo ang nasawing suspek base sa kanyang drivers license at brgy. […]

  • Pinoy boxer Magsayo pinabagsak si Ceja

    Pinabagsak ni Filipino boxer Mark “Magnifico” Magsayo ang kaniyang nakalaban na si Julio Ceja.     Mula sa simula ng laban ay naging mainit ang palitan ng suntok ng dalawang boksingero sa laban na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.     Pagdating sa ika-sampung round ay ibinuhos ni Magsayo ang mga suntok hanggang […]