• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fajardo tatapatan ni Laput

KAABANG-ABANG sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa parating na Marso 14 si James Laput.

 

 

May mensahe agad siyang pinarating kay six-time league Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer na halos singtaas niya – 6-10 ang sentro ng Beermen, 6-9 si Laput.

 

 

“My idol is June Mar [Fajardo] and I want to play against him. That has been my dream. It’s like Kobe (Bryant) wanting to play against MJ (Michael Jordan). I want to do that. I want to battle June Mar. So I just hope I won’t be drafted by the team where Jun Mar plays. But of course, getting drafted by SMB is a blessing,” litanya ng naglaro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

Muntikanang matapos maaga ang karera sa pagbabasketbol ni Laput nang magka-spine injury na nagpaigsi ng pagkampanya niya sa De La Salle University-Taft Green Archers.

 

 

Mabuti’t gumaling at ipinagpatuloy ng Fil-Aussie ang kanyang tikas sa Marinerong Pilipino sa 10th PBA D-League 2020 at Big Boss Cement Green Gorillas-Porac sa 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

 

 

Mensahe niya sa huhugot sa kanyang koponan aniya’y kailangan talaga ang kanyang serbisyo.

 

 

“I just wanted to be with a team that sorely needs a big man.. maybe a team like Meralco or Magnolia. I think it would be fun to be able to play with those teams and learn from the veterans, and at the same time do what I need to do to help the team.”

 

 

Aber abngan po natin mga giliw kong mambabasa kung may ibubuga si Laput kapag nabunot siya at magbukas ang 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9.(REC)

Other News
  • PBBM, “ON TRACK” para pagaanin ang epekto ng EL NIÑO, naghahanda na sa LA NIÑA phenomenon

    PATULOY na ipinatutupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang El Niño mitigation measures bilang paghahanda sa epekto ng La Niña phenomenon, inaasahan na made-develop sa darating na buwan ng Hunyo ngayong taon.     “Government agencies will continue to implement the El Niño action plans and of course, later on, transition into […]

  • Clarkson desididong lumaro sa 2023 FIBA World cup

    Desidido si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz na makapaglaro bilang local player kasama ang Gilas Pilipinas sa presithiyosong 2023 FIBA World Cup.     Mismong si Clarkson na ang nagkumpirma na buo ang puso nitong ma­ging bahagi ng Gilas Pilipinas sa naturang world meet na itataguyod ng Pilipinas kasama ang co-hosts na […]

  • Arsobispo, nagpapasalamat sa “go signal” ng pamahalaan na makapagdiwang ng Simbang Gabi at Misa de Gallo

    Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mananampalataya na hindi padadala sa takot bagkus ay palakasin ang pananampalataya sa Panginoon.   Sa homiliya ng arsobispo sa unang Misa de Gallo na ginanap sa Archdiocesan Shrine of Immaculate Heart of Mary sa Minglanilla Cebu, sinabi nitong higit na makatutulong ang pagkapit sa Diyos sa gitna ng […]