‘Fan Girl’, humakot ng pitong awards sa ‘4th EDDYS’; PAULO at CHARLIE, tinanghal na Best Actor at Best Actress
- Published on April 6, 2021
- by @peoplesbalita
NAGING matagumpay ang star-studded virtual awards night ng ikaapat na edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Napanood ito sa FDCP Channel (www.fdcpchannel.ph) at iba pang online platforms kabilang na ang official Facebook page ng SPEEd noong Linggo nang gabi, Abril 4 na kung saan ang mahusay na award-winning Kapamilya star na si Robi Domingo ang nagsilbing host.
Humakot ng pitong parangal ang pelikulang Fan Girl na kung saan tinanghal na Best Actor si Paulo Avelino at Best Actress naman Charlie Dizon.
Naging espesyal ang paghahayag ng nanalo dahil sa pagpapaunlak na maging bahagi ng awards night sina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na nag-present ng mga nominado para sa Best Actress habang ang AKTOR Chairman of the Board at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang naghayag ng Best Actor nominees.
Matatandaan na si Cong. Vilma ang kauna-unahang EDDYS Best Actress para sa pelikulang Everything About Her at si Dingdong naman ang nagwaging Best Actor sa 3rd EDDYS para sa pelikulang Sid & Aya: Not A Love Story.
Si Antoinette Jadaone ang nanalong Best Director para sa Fan Girl na itinanghal na Best Picture at nakuha rin niya ang tropeo para sa kategoryang Best Screenplay.
Wagi rin ng technical awards ang nasabing pelikula, nakuha rin nila ang Best Sound at Best Editing.
Samantala, waging Best Supporting Actor naman si Edgar Allan Guzman para sa Coming Home habang ang Best Supporting Actress trophy ay napunta kay Shaina Magdayao para sa Tagpuan.
Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Chairperson/CEO Liza Diño-Seguerra (na ginawaran ng first EDDYS Service Award dahil sa Dear Program ng FDCP), ang successful 4th EDDYS ay idinirek ng OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra.
Narito ang complete list ng mga nagwagi:
Best Picture – Fangirl
Best Director – Antoinette Jadaone (Fangirl)
Best Actor – Paulo Avelino (Fangirl)
Best Actress – Charlie Dizon (Fangirl)
Best Supporting Actor – Edgar Allan Guzman (Coming Home)
Best Supporting Actress – Shaina Magdayao (Tagpuan)
Best Screenplay – Antoinette Jadaone (Fangirl)
Best Cinematography – Rody Lacap (Magikland)
Best Visual Effects – Richard Francis & Ryan Grimarez (Magikland)
Best Musical Score – Kean Cipriano (On Vodka, Beer and Regrets) and Paulo Protacio (The Boy Foretold by the Stars (tie)
Best Production Design – Ericson Navarro (Magikland)
Best Sound – Vincent Villa (Fangirl)
Best Editing – Benjamin Tolentino (Fangirl)
Best Original Theme Song – “Ulan” by Jhaye Cura & Pau Protacio (The Boy Foretold by the Stars)
(ROHN ROMULO)
-
Ads January 18, 2023
-
Vacation service credits ng mga guro, itinaas pa sa isang buwan
DINODOBLE pa ng Department of Education (DepEd) ang vacation service credits ng mga guro sa 30 araw. Ipinaliwanag ng ahensya ang mga service credit, kung saan nagbibigay-daan ito sa mga guro na i-offset ang mga pagliban dahil sa sakit o personal na dahilan, o upang mabawi ang mga bawas sa suweldo sa panahon […]
-
Ordanes at Arquiza, nagkasundo at nagkamayan
Tuluyan ng nagkasundo at nagkamayan ang kinikilalang kinatawan ng Senior Citizens Party-list na si Cong. Rodolfo Ompong Ordanes at si dating Cong. Godofredo Arquiza matapos pagtibayin ng dalawa ang isang kasunduan na nagtatapos ang kanilang sigalot na sinaksihan ng kanilang mga abugado sa ginanap na seremonya nitong Dec.19, 2023 sa Seda Hotel, Quezon City. (PAUL […]