• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fans ni MARIAN, masaya at excited sa balitang magbabalik-TV na dahil inaayos na ang script

MASAYA at na-excite ang mga fans at followers ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa balitang magbabalik-telebisyon na siya.

 

 

Last week kasi, sinagot ni Marian ang tanong ng isang fan sa kanyang Instagram kung kailan siya muling magkakaroon ng show.

 

 

    “Kailan po kayo ulit magkakaroon ng bagong show, sobra na ang pagka-miss ko sa ‘yo, gabi-gabi pa rin akong nakaabang sa TV para manood ng “Endless Love” (na niri-replay ngayon ng GMA-7 na tampok sila ni Dingdong Dantes).  For sure hindi ako lamang ang nakaka-miss sa iyo.”

 

 

Mabilis naman itong sinagot ni Marian. “Awww, maraming salamat.  Soon, inaayos lamang ang script.”

 

 

Huling napanood sa teleserye si Marian noon pang 2018, dapat ay gagawin niya ang First Yaya, pero nagkaroon nga tayo ng pandemic, kaya nag-beg-off si Marian, dahil hindi siya pwedeng mag-lock-in taping dahil bini-breast feed pa niya ang bunso nila ni Dingdong na si Ziggy. 

 

 

Hindi naman lubusang hindi na napanood si Marian, dahil every Saturday ay tuloy pa rin siyang nagho-host ng OFW documentary episodes ng Tadhana, dahil sa bahay siya dinidirek ni Dingdong ng mga spiels ng serye.

 

 

***

 

 

MUKHANG tinututukan ng mga netizens ang cultural drama series na Legal Wives kaya nakakatanggap ang GMA Network ng mga papuri mula sa mga viewers.

 

 

Bukod sa mahusay na cinematography, puring-puri rin ang mahusay na pagganap ng cast sa kani-kanilang characters.

 

 

Pero si Ashley Ortega, nakatikim ng inis ng mga viewers sa pagganap niya bilang si Marriam, na in love na in love kay Ismael (Dennis Trillo) at sumuway siya sa mga ipinagbabawal ng kanilang religion kaya nagkaroon ng rido or clan war.

 

 

Sa interview kay Ashley ng 24 Oras, inamin niyang nakakatikim siya ng galit ng mga viewers.

 

 

“Kapag nababasa ko po ang sinasabi nila, medyo nakakatakot din, pero ipinaliwanag ko po naman sa kanila na ganoon talaga ang character na ginagampanan ko. At nagpapasalamat din ako sa kanila dahil ibig sabihin ay tama ang pag-portray ko sa role na ibinigay nila sa akin. 

 

 

Sorry po, pero marami pa akong eksenang dapat ninyong abangan.” 

 

***

 

MARAMI namang nalungkot na nagpaalam na agad ang character ni Alfred Vargas as Nasser Makadatu, kapatid ni Ismael, at asawa naman ni Amirah (Alice Dixson).

 

 

Siya ang tumanggap ng bala na dapat ay kay Ismael, na ikinamatay niya.

 

 

    “Masaya naman ako kahit guest role lamang ang ginampanan ko,” sabi ni Alfred “Masaya ako na naging bahagi ako ng serye, dahil kahit konti pa lamang ang napapanood ko, mahusay ang pagkakadirek ni Zig Dulay, very cinematic, epic talaga.”

 

 

Napapanood ang Legal Wives gabi-gabi, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA-7.

 

 

***

 

 

FIRST time lamang kayang magtatambal sa TV ang real-life couple na sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado?

 

 

Ang mag-asawa ang bibida sa fresh episode ng Magpakailanman sa Saturday, August 7, sa “I Will Survive: The Lynlin Enriquez Dumoran Story.”

 

 

Tiyak na paiiyakin ang mga televiewers ng #MPK sa pagtama ng cancer kay Lynliu at pumanaw naman ang asawa niyang si Waldo (Kiel Rodriguez). Mahuhulog ang loob ni Lynlin kay Eddie (Tonton), kapatid ni Waldo. Masusubok ang kanilang pagsasama at pananampalataya nang tamaan ng Stage 3 breast cancer si Lynlin.

 

 

Kasama rin nila sina Jeniffer Maravilla at Jeremy Sabido sa Magpakailanman pagkatapos ng Catch Me Out Philippines, sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • DepEd at DSWD, bumida sa pangatlong cabinet meeting ni PBBM

    UMABOT na sa pangatlong cabinet meeting ang pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong araw.     Tinalakay ng Department of Education ang kanilang  Priority Programs and Projects para sa Basic Education habang ipinrisinta naman ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang sariling  Programs and Projects para sa Social Welfare.     Nagbigay […]

  • Team Philippines reresbak sa 2023 Cambodia SEAG

    MAITUTURING  pa ring tagumpay ang kampanya ng Pilipinas sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ito ay mula sa hinakot na 52 gold, 70 silver at 104 bronze medals ng Pinas para pumuwesto sa fourth place sa overall medal standings bagama’t apektado ng pandemya ang training ng mga atleta simula […]

  • PDu30, pinangunahan ang pormal na pagpapasinaya sa development projects sa Dumaguete Airport

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pormal na inagurasyon ng development projects sa Dumaguete Airport.   Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pagpapasinaya ng Development Projects sa Dumaguete (Sibulan) Airport sa Brgy. Boloc-Boloc, Sibulan, Negros Oriental ay sinabi nito na ang P252 million rehabilitation projects na pinasinayaan ngayon ay kinabibilangan ng “expansion of […]