• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FB NG ISANG PARI, GINAGAMIT

NAGBABALA ang Boac Marinduque Diocese sa publiko  laban sa Facebook page na gumagamit ng pangalan ng isa nilang pari para magsolicit ng pera sa mga tao.

 

Ayon kay Fr.Wilfredo Magcamit Jr.,chancellor ng Boac Diocese na nanghihingi ng tulong pinansyal  ang naturang socioal media page na gamit ang pangalan ni Fr. Ramon Magdurulang.

 

Base sa umano sa post, gagamitin ang malilikom na pera sa umanoy pag-oordina sa isang Rev.James Calma ng Rogationist of the Child Jesus sa Disyembre 10,2020 kung saan pinapahulog sa Gcash at Palawan sa numerong 09155259175.

 

Ayon sa  Diocese, nang iberipika ,nalaman  nakarehistro ang cellphone number sa isang John Blake N na halos kapareho  sa John Balle Navarro  na gumamit din ng pangalan ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr,noong 2017 na humingi naman ng tulong mula sa VSM realty Corporation sa General santos City.

 

Nanawagan ang Diocese na huwag pansinin ang anumang mensahe o friend request ng nasabing facebook account at nagpaalala rin sa publiko na mag-ingat  sa pakikipag-usap sa social media gayundin iberipika kapag may kahina-hinalang fund raising activities ang isang indibidwal. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 1K miyembro ng TODA, tumanggap ng ayuda mula sa Quezon City LGU

    UMAABOT sa 1,000 miyembro ng Tricycle Operators at Drivers Association  mula sa ika-6 na distrito ng Quezon City ang tumanggap na ng kani-kanilang mga Fuel Subsidy Fleet Card mula sa lokal na pamahalaan.     Ang bawat fleet card ay may lamang P1,000 na maaari nilang magamit sa pagpapa-karga ng gasolina sa anumang branch ng […]

  • VILLAR, BINAY, NAGSUMITE NA RIN NG COCC

    NAKAPAGSUMITE na rin ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) si Las Piñas City Rep. Camille Villar at Makati City Mayor Abby Binay.   Mula noong unang araw, pumalo na sa 53 aspirante sa pagka-senador ang nakapagpasa na ng kanilang COC.   Dalawang partylist naman ang nagpasa ng kanilang Certificate of Nomination and Certificate of Acceptance […]

  • Ex-Pres. Duterte itinangging nasa kustodiya niya si Quiboloy

    PINABULAANAN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatago sa kaniyang bahay si Pastor Apollo Quiboloy.     Ito ay matapos ang bigong paghahanap ng mga otoridad sa Pastor noong suyurin ang kinaroroonan nito sa lungsod ng Davao.     Dagdag pa ng dating pangulo na maraming mga bahay sa Davao si Quiboloy kaya marapat na […]