FDA, nakikipag-ugnayan na rin sa gumagawa ng popular na Filipino instant noodles dahil sa isyu ng ‘ethylene oxide’
- Published on July 16, 2022
- by @peoplesbalita
NAKIKIPAG-UGNAYAN na rin ang Philippine Food and Drugs Administration (FDA) sa kumpanya na gumagawa ng popular at paboritong instant noodle brand ng mga Pinoy para masuri ang safety standards compliance nito.
Ayon sa FDA, sinimulan na nila ang pag-imbestiga sa naturang produkto kasunod ng lumabas na report mula sa European countries sa Ireland, France at Malta kung saan nadiskubre umano na mayroong high levels ng ethylene oxide ang partikular na instant noodle brand.
Paliwanag ng FDA, ang ethylene oxide ay isa ring processing aid na ginagamit para i-disinfect ang mga herbs at spices.
Subalit paglilinaw naman ng ahensiya na ang paggamit ng ethylene oxide para sa sterilizing purpose sa pagkain ay hindi pinapayagan sa European Union bagamat mayroon pa ring traces aniya mula sa mga ingredients o raw materials kung kaya’t nagtakda ang EU ng maximum residue level na nasa very low level lamang base sa uri ng commodity.
Nakatakda namang magbigay ng updates ang FDA sa oras na matapos ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Sa DOH forum, sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang naturang kemikal kapag nakonsumo ay maaaring makapagdulot ng pananakit ng ulo, pagsusuka at malalang kaso gaya ng pakiramdam na pagod na pagod at hirap sa paghinga.
Agad ding nilinaw ng manufacturer ng instant noodles brand na hindi sila naglalagay ng ethylene oxide sa kanilang mga produkto at pasok sa local food safety standards.
-
Dahil sa pag-amin nina James at Issa sa relasyon: YASSI, dawit sa pamba-bash at hate comments ng mga netizens
MAKATUTULONG kaya o hindi ang pag-amin nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon sa bagong teleserye ni Yassi Pressman sa TV5? Pati kasi siya ay dawit sa bash at hate comments ng mga netizens na malamang, karamihan dito ay mga tagahanga ng dating magka-loveteam real and reel na sina Nadine Lustre […]
-
MMDA nagkasa uli ng clearing operations sa Maynila
MULING binalikan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang kalsada sa Tondo, Maynila at nagkasa ng clearing operations upang matanggal ang pabalik-balik na mga obstruksyon. Katuwang ang mga tauhan ng lokal na pamahaalan ng Maynila, Department of the Interior and Local Government at Manila Police District, winalis ng MMDA […]
-
Japanese tennis star Osaka, ipinakita ang suporta sa racial discrimination
Ipinakita ni Japanese tennis star Naomi Osaka ang kaniyang suporta sa mga lumalaban sa social injustice. Sa pagsisimula ng laro sa US Open sa New York, nagsuot ito ng face mask na mayroong pangalan na Breonna Taylor, ang black woman na pinagbabaril hanggang mapatay ng mga kapulisan. Isa lamang aniya ito sa pitong […]