Fernandez humirit sa DBM
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
NAKIUSAP ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Budget and Management (DBM) para makuha sa lalong madaling panahon ang P397M pondo na gugugulin sa trainings at competitions ng mga atleta para sa ngayong taon.
Ipinahayag Biyernes ni PSC Commissioner Ramond Fernandez, na sumasakop ang halaga para sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2 na P200M, 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23-Agosto 8 na P150M;
11th ASEAN Para Games 2021 sa Hanoi, Vietnam din sa Disyembre 17-23 na may P30M at 16th Paralympic Summer Games sa Tokyo, Japan din sa Agosto 24-Setyembre 5 na mayroon namang pondong P17M.
Ginawa ng opisyal na siya ring Team Philippines chef-de-mission sa Vietnam SEA Games ang pahayag kasunod sa training bubble na rin ng SEAG-bound athletes sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna, Laguna simula sa April 15.
Unang nagkaroon na ang PSC Olympic training bubble sa nabangit na lugar sa ikalawang lingo nitong Enero. (REC)
-
VP Robredo kontra sa panukalang pag-armas sa mga sibilyan
Magiging delikado umano at malaki ang tsansa na maabuso ang planong pag-aarmas sa mga civilian volunteers. Ito ang naging pagtaya ni Vice President Leni Robredo sa proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Robredo na maraming mga insidente noong nakaraan na inaabuso ang nasabing pagdadala ng armas. Maraming mga […]
-
Birth cert ni Alice Guo pinapakansela ng OSG
PINAPAKANSELA ng Office of the Solicitor General (OSG) ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, batay sa inihaing petisyon sa Tarlac Regional Trial Court kahapon. Magkatuwang ang OSG at ang Philippine Statistictics Authority (PSA) sa pagsasampa ng petisyon. Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang […]
-
80% ng bansa, maaaring isailalim na sa MGCQ sa July 16
Inilahad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng mas maraming lugar na ang isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa darating na July 16. Sa panayam, iginiit ni Lorenzana na dedepende sa datos ng coronavirus disease o COVID-19 ang quarantine measures sa bansa na magmumula sa Department of Health (DOH). “Sabi nga […]