Fernandez, Tolentino may pulong para sa SEA Games
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG makipagtalakayan si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino sa Biyernes, Pebrero 5 kaugnay sa preparasyon ng bansa para sa 31st Souhteast Asian Games 2021 sa Nobyembre 21-Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.
Itinalagang chef de mission ng nasabing 11-nation, biennial sportsfest , ipinahayag nitong Miyerkoles ni Fernandez, na pokus sa usapan nila Tolentino ang nalalapit na kompetisyon at kahilingan sa gobyerno na makapag-bubble training na rin ang mga atleta.
Aminado ang CDM na blangko pa siya sa sports at events at playing venues, bilang ng mga manalalarong bubuo sa pambansang delegasyon at ang magiging paghahanda ng ‘Pinas na pangkalahatang nagtatanggol na kampeon.
Sa ngayon, top three finish ang pinupuntirya ng PSC at POC para sa bansa sa nakatakdang palaro. (REC)
-
Mga guro, binatikos ang bagong DepEd order ukol sa remedial classes, humirit ng extra pay
HAYAGANG binatikos ng dalawang grupo ng mga guro ang pinakahuling kautusan ng Department of Education hinggil sa remedial classes. Humirit naman ang mga ito sa ahensiya ng pagkalooban ng karagdagang bayad o kompensasyon o service credits ang mga magtuturo at siyang mangangasiwa sa klase. Kamakailan, nagpalabas ang DepEd ng Order No. […]
-
Gobyerno, transparent sa human rights situation ng Pilipinas
BUKAS ang gobyerno ng Pilipinas na pag-usapan ang situwasyon ng karapatang-pantao sa bansa. At ito’y may sapat na kakayahan para tugunan ang mga paglabag. Ito ang sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Undersecretary Paul Gutierrez kasabay ng pagtatapos ng 10-day visit ng United Nations (UN) Special […]
-
Malakanyang, umapela sa EU na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista
UMAPELA ang Malakanyang sa European Union (EU) delegation sa bansa na bigyan ng tsansa ang pamahalaan na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista sa Calabarzon region noong Linggo. Sa ulat, sinabi ng EU na gumamit ng “excessive force” ang kapulisan at sundalo laban sa mga 9 na aktibista at ang di umano’y […]