Fernando, Castro, sinelyuhan ang pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo sa Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 SP
- Published on July 18, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Parehong nangako sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kahapon.
Nanawagan ang gobernador sa kanyang mga kapwa lingkod bayan na isantabi ang pulitika at sariling interes, at yakapin ang kanilang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan ang kanilang mga kababayan.
“We can work independently in nature and in function yet together in principles and vision. Isa lamang ang ating layunin, ang makita na ang Bulacan ay isang maunlad, matiwasay, at masayang lalawigan kung saan may katarungan para sa lahat,” ani Fernando.
Gayundin, nangako si Castro na susuportahan ang mga programa ni Fernando at hinikayat ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na ganoon din ang kaparehong gawin.
“Ang aking hamon para sa ating lahat, lalong higit sa ating mga kasamang Kasangguni, itaguyod po natin ang mga programa ng ating Punong Lalawigan. Ibigay po natin ang isang daang porsiyentong suporta sa kanya at sa kanyang pamumuno. Bigyan po natin siya ng hindi nahahating pakikiisa sa kanyang mga layunin. Kaya naman po ang atin ring pasasalamat kay Governor Daniel sa pagpapahayag ng suporta sa ating mga mithiin,” anang bise gobernador at pinunong tagapangulo ng SP.
Binuksan ni Castro ang Ika-11 SP sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Panloob na Alituntunin ng Pamamaraan; paghirang kina Majority Floor Leader Erlene Luz V. Dela Cruz, Assistant Majority Floor Leader Cezar L. Mendoza, at Minority Floor Leader Allan P. Andan; at pagtatalaga sa Chairmanship ng Standing Committees.
Ang Ika-11 Sangguniang Panlalawigan ay binubuo nina Bise Gob. Castro; mga Bokal Allan P. Andan at Romina D. Fermin mula sa Unang Distrito, Lee Edward V. Nicolas at Erlene Luz V. Dela Cruz mula sa Ikalawang Distrito, Raul A. Mariano at Romeo V. Castro, Jr. mula sa Ikatlong Distrito, Allen Dale DC. Baluyut at Enrique A. Delos Santos, Jr. mula sa Ikaapat na Distrito, Richard A. Roque at Cezar L. Mendoza mula sa Ikalimang Distrito, at Arthur A. Legaspi at Renato DL. De Guzman, Jr. mula sa Ikaanim na Distrito; at mga ex-officio members na sina Indigenous People’s Mandatory Representative Liberato P. Sembrano, Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Bulacan Ramilito B. Capistrano, Pangulo ng Philippine Councilor’s League Bulacan Chapter William R. Villarica, at Provincial Federation President ng Sangguniang Kabataan Robert John Myron A. Nicolas.
Samantala, ipinahayag rin ni Fernando ang kanyang Ulat sa Lalawigan at mga napagtagumpayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa kanyang unang termino sa harap ng Sangguniang Panlalawigan, mga pinuno ng mga tanggapan, at iba pang panauhin. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
P5 taas-pasahe sa jeep inihirit ng transport group
NANAWAGAN kahapon ang transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa pamahalaan na aprubahan na ang hiling nila na P5 dagdag-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Ayon kay FEJODAP president Ricardo “Boy” Rebaño, umaasa silang aaksiyunan ng pamahalaan […]
-
PBBM, nagpulong ukol sa economic situation sa Pinas
TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Martes, sa kanyang gabinete ang kasalukuyang economic situation sa bansa. Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Marcos ang unang Cabinet meeting sa Malacañan Palace, Martes ng umaga. Ang miting na dapat ay nagsimula ng alas-9 ng umaga ay nagsimula ng “15 minutes […]
-
500k doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac dumating na sa Pinas
DUMATING na kanina noong Linggo ang karagdagang 500,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na gawa ng Sinovac. Ang bakuna ay “on board flight PR359” mula Beijing, gamit ang A330 aircraft. Ang Pilipinas ay bumili ng 25 million doses ng Sinovac vaccine, kung saan ang 1 milyong doses ay natanggap ng bansa […]