• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernando, nag-inspeksyon sa iligal na quarry operation sa bayan ng Santa Maria

LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ng biglaang inspeksyon si Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang Bulacan Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni Atty. Julius Victor Degala at Police Major June Tabigo-on ng Philippine National Police sa illegal quarrying operation sa Sitio Alimasag, Brgy.Camangyanan, Santa Maria, Bulacan kaninang umaga.

 

 

Sa isang operasyon na pinangunahan ng BENRO at CIDG noong nakaraang Biyernes ng hapon, agad na nahuli ang limang illegal miners na residente rin ng Sitio Alimasag at kasalukuyang humaharap sa tatlong kaso kabilang na ang mineral Theft sa ilalim ng Republic Act 7942, Section 103; Section 71-A ng Provincial Ordinance C-005 o ang Environmental Code ng Lalawigan ng Bulacan at ang bago lamang na Executive Order No. 21 Series of 2022 na pansamantalang nagsususpindi ng quarrying activities.

 

 

Ipinaliwanag rin Fernando na ang nasabing lugar ng quarry, na ilan taon nang nagsasagawa ng operasyon, ay dating sakahan kung saan nadiskubre ng mga residente na ang ilalim nito ay volcanic tuff na kilala bilang escombro o “bulik” na isang magandang uri ng mineral na kadalasang ginagamit sa landscape gardening na nagkakahalaga ng P150-P600 bawat bloke.

 

 

Bukod pa rito, nadiskubre rin ng roving team ang isang exhausted quarry area na puno nan g tubig-ulan na may lalim na higit pa sa sampung talampakan na maaaring magdulot ng panganib sa mga residenteng nakatira malapit doon.

 

 

Sinabi rin ni Fernando na makikipag-ugnayan sila sa lokal na pamahalaan tungkol sa naturang quarrying activity.

 

 

“Ito pong inspeksyon ay bunga ng patuloy nating laban kontra illegal quarrying. Ayon po sa ating BENRO, mayroon nang tatlo o apat na iligal na nahukay na sa lugar na ito at ‘yung isang butas ay iniwan na lang nila at may tubig na. So hindi po tama ang nangyayari; sisiguraduhin po natin kung ito ay alam ng local government and I think, kinakailangan mag-usap kami tungkol dito,” ani Fernando.

 

 

Nakiusap rin siya sa mga Bulakenyo lalo na ang mga nasa industriya ng pagmimina na sumunod sa mga regulasyon at magsagawa ng opersyong ligal na may permit.

 

 

“Sa totoo lang po, maraming kababayan natin ang naghihirap at nangangailangan ng tulong. Hindi lang dapat ito pangsariling kapakanan at dapat ilagay sa tamang proseso; hindi sa iligal na bagay. Sapagkat ang kalikasan po ay dapat nating pangalagaan dahil balang araw ay tayo rin ang sisingilin dito. Patuloy po nating lalabanan ang mga illegal quarry dahil ito ay para sa kapakanan din ng ating kapwa Bulakenyo,” dagdag pa ng gobernador.

 

 

Sinabi rin ni Fernando sa isinagawang panayam na ang mga iligal na nagmimina ay gumagamit ng manual tools sa pagkuha ng mga mineral upang mabawasan ang ingay sa operasyon.

 

 

Sa direktiba ng gobernador, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng BENRO ng imbestigasyon tungkol sa mga iligal na aktibidad na may kinalaman sa nabanggit na kaso. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ads April 2, 2022

  • Mas mahigpit na protocol sa public transpo, malabo – DOH

    Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para magpatupad muli ng mahigpit na panuntunan sa pampublikong transportasyon sa kabila ng banta ng mas nakakahawang UK variant ng COVID-19 na nasa bansa na.     Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang pagbubukas ng pampublikong transportasyon ay para mabalanse ang […]

  • Babaeng Vietnamese inaresto sa ‘unruly behavior’

    INARESTO ng mga opisyal ng immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang babaeng Vietnamese dahil sa kanyang ‘unruly behavior”.       Una rito, personal na humarap si  Ban Thi Van, 19, sa kayang immigration clearance para sa pagsakay nito sa Cebu Pacific Air flight biyaheng Hanoi.       Pero sa […]