• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernando, tiniyak na kontrolado ang ASF sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ipahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ang pagpapatupad ng pork ban mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, tiniyak ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy na kontrolado na ang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa lalawigan.

 

 

Naglabas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ng Executive Order No. 35 na nagpapatupad ng pansamantalang pagbabawal ng pagpasok ng mga buhay na baboy at produktong baboy sa Lalawigan ng Aurora mula sa mga lalawigan na may kaso ng ASF kabilang ang Bulacan, Pampanga at Tarlac mula Agosto 30, 2022 hanggang Setyembre 30, 2022.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Panlalawigang Beterinaryo Dr. Voltaire G. Basinang na may naitalang kaso ng ASF sa bayan ng Santa Maria na naging dahilan upang magpatupad ang Aurora ng pork ban.

 

 

Samantala, binigyang diin niya na hindi makaaapekto ang pork ban sa mga Bulakenyong hog raiser.

 

 

“Ang naturang ban ng Aurora sa baboy ng Bulacan ay nag ugat sa muling pagkakaroon ng kaso ng ASF sa isang babuyan sa Santa Maria. Bagama’t ang nasabing kaso ng ASF ay nakontrol na at hindi na kumalat, minabuti pa rin ng Aurora na maglatag ng pansamantalang ban sa ating mga baboy. Hindi naman ito makaka abala sa ating mga magbababoy dahil ang ating mga baboy ay sa Bulacan at Metro Manila lamang dinadala. Napakaliit na porsyento ng ating baboy ang napupunta sa Aurora kung mayroon man,” paliwanag ni Basinang.

 

 

Kaugnay nito, agad ipinag-utos ni Fernando ang mahigpit na pagbabantay sa mga babuyan at siniguro na gagawin ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga kinakailangang aksyon upang suportahan ang mga hog raiser sa lalawigan at tiniyak sa publiko na ligtas kainin ang mga produktong karne na nagmula sa Bulacan.

 

 

“Bilang punong lalawigan, nauunawaan ko ang desisyong inilabas ng Pamahalaang Lalawigan ng Aurora. Naiiintindihan ko ang responsibilidad na protektahan ang kanilang nasasakupan at marahil ganoon din ang ating gagawin sa lalawigan. Bagaman wala pang tiyak na bakuna laban dito, walang dapat ipag-alala ang ating mga Bulakenyo hog raiser dahil sinisiguro ko na ang ating Pamahalaang Panlalawigan ay nangunguna sa pagsasagawa ng cleaning at disinfection sa bawat lungsod at munisipalidad upang mahigpit na mabantayan ang pagkalat pa nito,” anang gobernador.

 

 

Sa ngayon, wala pang ibang kaso ng ASF ang naitatala sa Bulacan at ilang babuyan na rin ang muling nagbukas ayon sa Provincial Veterinary Office. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Top 20 Business at Realty Taxpayers sa Navotas, pinarangalan

    BINIGYAN ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 20 Business at Realty Taxpayers sa lungsod bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pagpapaunlad sa Navotas. Personal silang pinasalamatan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa tapat at maagap nilang pagbabayad ng buwis at patuloy na pagsuporta sa layunin ng […]

  • Ads May 25, 2024

  • Partial operation ang LRT 1 extension sa susunod na taon, tiniyak

    NAKIKITA ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magkakaroon ng partial operation ang Light Rail Transit Line 1 Extension Project sa susunod na taon habang ang pamahalaan ay nangako na magkakaroon ng full delivery ng right-of-way.   Sinabi ni LRMC president at CEO Juan Alfonso na ang project ay may 33 percent completed na samantalang […]