• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fertilizer at pesticides subsidy sa magsasaka, palawigin

BILANG  tugon sa panawagan ng mga magsasaka ukol sa patuloy na pagtaas sa gastos sa mga farm inputs, ipinanukala ni AGRI-Party-list Rep. Wilbert Lee na magtatag ng fertilizer and pesticides subsidy program.

 

 

Sa ilalim ng House Bill No. 3528 o National Fertilizer Subsidy Act, ang Department of Agriculture (DA) ay magpapatupad ng National Fertilizer and Pesticide Subsidy Program para sa mga kuwalipikadong magsasaka.

 

 

“Through this bill, we assure our agricultural sector that we respond and guarantee them that in scenarios of high prices of these agricultural inputs, subsidies are available as we separately push to sustainably increase its local manufacturing and production,” ani Lee.

 

 

Ayon sa ginawa nilang monitoring, ang walang habas na pagtaas sa presyo ng agricultural inputs, partikular na sa pataba ay tumaas ng triple sa nakalipas na 18 buwan.

 

 

Lumabas pa aniya sa ulat na ang presyo ng urea ay tumaas ng P900-P950 kada bag noong 2021 sa P2,240-P2,920 nitong Pebrero 2022.

 

 

Sa ilalim ng panukala, ang subsidiya na ibibigay ay aktuwal na fertilizer bags o subsidy vouchers depende sa kasalukuyang market prices at geographical and logistical challenges ng rehiyon habang ang tulong sa pestisidyo ay ipapamahagi sa pamamagitan ng subsidy vouchers.

 

 

Para makatanggap o maging benepisaryo kailangan na isang Pinoy na miyembro ng agri-basic sector at 18 anyos sa panahon ng registration; isang magsasaka, farm laborer/ worker o Agri-youth base sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Definitions of Members of the Agriculture and Fisheries Sector.

 

 

“Umaasa po tayo sa suporta ng Kongreso upang agarang maisabatas ang panukalang ito. Hangad po natin na maibsan ang mga pasanin ng mga magsasaka, mapalaki ang kanilang produksyon at kita para sa pangangailangan ng pamilya, at sa paghakbang natin palapit sa katuparan ng inaasam na food security,” pahayag ni Lee. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Kamara tuloy ang laban kontra hoarders, price manipulators

    Magpapatuloy ang Kamara  sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtugis sa mga hoarder at price manipulator. Kasunod na rin ito sa ulat na bumaba ng hanggang P10 ang kada kilo ng sibuyas. Pinuri naman ni Deputy Majority Leader Rep. David Suarez (Quezon Province), isa sa mga lider ng House committee on […]

  • Sunud-sunod na sinagot ang mga isyu sa kanya… VICE GANDA, nagbirong aalis na sa ‘It’s Showtime’ kaya may contract signing

    IKINALOKA ng mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime” lalo na sa grand finals ng “Miss Q&A” last Saturday.     Sunud-sunod ang naging Twitter post ng TV host-comedian para patulan ang tanong isang netizen na kung ano ang […]

  • 4 drug suspects arestado sa Calocan

    APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang No. 1 priority personality on illegal drugs Regional level ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan City.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., alas- 1:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng […]