• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FIBA pinayuhan ang Indonesia na dapat makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup

Pinayuhan ng FIBA ang Indonesia na kailangan nilang makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup.

 

Ito ay dahil isa ang nasabing bansa na magiging host 2023 FIBA World Cup kasama ang Japan at Pilipinas.

 

Ayon sa FIBA Executive Committee, dapat makapasok sa top eight ang Indonesia sa 2021 FIBA Asia Cup para sa makapasok sa quadrennial meet.

 

Kapag nakapasok sa top 8 ang Indonesia sa FIBA Asia Cup 2021 ay mababawasan ng isa ang FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers.

 

Sakaling mabigo naman ang Indonesia sa top eight, magpapatupad ang FIBA ng general rules para sa qualification sa FIBA World Cup 2023.

 

Noong Pebrero sana ang 2021 FIBA Asia Cup subalit ito ay sinuspendi dahil sa coronavirus pandemic.

 

Kapwa kasi nakakuha na ng direct qualification ang Japan at Pilipinas na naglaro noong 2019 FIBA World Cup.

 

Magiging host ang Pilipinas sa final phase ng 2023 FIBA World Cup habang ang mga laro mula sa group phase ay gaganapin sa Japan at Indonesia.

Other News
  • Malabon, nakahanda sa bagyong “Nika”

    NAKAHANDA ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa posibleng banta na dala ng Tropical Storm “Nika” at sa iba pang kalamidad, kasabay ng pagtanggap nito ng mga bagong rescue boats mula sa Mang Ondoy Rescue Hub.   Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval at Konsehal Edward Nolasco ang pagtanggap ng 21 rescue boats, kabilang rito ang isang […]

  • Opensa Depensa Ni CDC

    MAGBABALIK-TANAW  sa isa sa naging sikat na karibalan sa Philippine basketball ang San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night.     Pararangalan ang mga alamat ng sport na sina Robert Jaworski Sr. at Ramon Fernandez ng Lifetime Achievement Award sa Marso 14 gala night sa Diamond Hotel sa Ermita, Manila dahil sa kanilang […]

  • Meteor shower events, pagliliwanagin ang kalangitan ng Pinas ngayong Abril— PAGASA

    MAAARING saksihan ng mga Filipino astrophiles ang dalawang meteor shower events ngayong Abril.  Sa Astronomical Diary ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sinabi nito na  ang dalawang astronomical events ay Lyrid at Pi Puppid meteor shower. “Lyrids will peak on April 23, but it can be observed beginning April 16 until April […]