FIBA saksi sa PBA bubble
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
NASA Mies, Switzerland ang International Basketball Federation o FIBA headquarters, habang ang FIBA Asia ay nasa Beirut, Lebanon.
Pero nagmamatyag sila sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga para masusing saksihan ang eksperimento ng PBA sa bubble sa pagpapatuloy sa 45 th Philippine Cup eliminations 2020 sa darating na Linggo, Oktubre 11.
Naghahanap ang world’s governing-continental sport body ng lugar na puwedeng pagtuluyan ng Asia Cup qualifying tournament, nirerekisa kung papasa ang Clark at Angeles University Foundation gym.
“Nagmamasid ‘yung FIBA,” bigkas nitong isang araw ni PBA commissioner Wilfrido Marcial. “May nagsabi sa akin, hinihintay, tinitingnan ng FIBA. Kapag naging successful ang Clark bubble, baka p’wedeng madala rito ang Asia Cup.”
Sinuspinde ang mga laro sa Asia Cup qualifying dahil sa coronavirus disease 2019 nitong Marso. May limang laro pa ang Gilas Pilipinas o national men’s basketball team, kasama sa Group A ng Indonesia, Korea at Thailand.
Isang bentahe ng Clark ang international airport doon na malapit din sa hotel at playing venue.
“Ang alam ko, isang may gusto (sa Clark) Thailand,” hirit ni Marcial. “Maganda doon, doon ka na lalapag. Wala ka ng ibang pupuntahan. ‘Yung international airport na lalapagan, tapos nandoon ka na. walang ganu’n ‘yung iba.”
Ready naman ang Bases Conversion and Development Authority at ang Clark Development Corporation sakaling mag-request ang FIBA na pagtuluyan ng qualifying window games.
“Makakaasa po kayo na handa po tayo rito, at sisiguruhin natin na kakayanin nating i-host kung gugustuhin po ng FIBA,” namutawi naman kay BCDA president Vince Dizon.
Abangan po natin ang susunod na kabanata. (REC)
-
JESSICA, inaalala ang magiging buhay ng mga taga-Afghanistan dahil sa Taliban; di na mabubura ang nasaksihan noong 2002
NEVER daw mabubura sa isipan ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho ang mga nasaksihan niya sa Afghanistan nang mag-cover siya rito noong 2002. Nagiging emosyal si Soho tuwing maaalala niya ang pagsabog ng isang ambulansiya na malapit lang sa kanilang kinatatayuan. Nang panahong iyon, nakontrol na ng mga sundalong Amerikano at […]
-
Eala at Spoelstra, naispotan sa Miami
Nagkita si Miami Heat coach Eric Spoelstra at Filipina tennis star Alex Eala. Sa social media account ng Heat ay ibinahagi nila ang larawan na magkasama sina Spoelstra at Eala. NItong Huwebes ay tinalo ng Heat ang New York Knicks 127-120. Habang si Eala ay naglaro sa Miami Open tennis pero nabigo […]
-
Sec. Roque, no comment sa umano’y siyam na miyembro ng gabinete na pinangalanan ni Pangulong Duterte
NO COMMENT si Presidential Spokesperson Harry Roque sa umano’y line up ng mga posibleng isabak ng Administrasyon sa senatorial race sa susunod na taon. May lumabas kasing report ang isang news portal na siyam na cabinet secretaries umano ang pinangalanan ni Pangulong Duterte para maging potential senatorial candidates. Nangyari umano ang pagkakabanggit sa […]