• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FIBA World Cup mascot ipinakilala na

PORMAL nang ipinakilala ang official mascot ng prestihiyosong FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas, Japan at Indonesia.

 

 

Pinangalanan ang mascot ng JIP na initials ng Japan, Indonesia at Pilipinas — ang tatlong host countries ng world meet.

 

 

Napili ang pangalang JIP mula sa mahigit 100,000 na sumali sa pa-contest ng FIBA noong nakaraang linggo para pangalanan ang official mascot.

 

 

“The name JIP is a perfect match for this beautifully designed mascot as it incorporates and unites all three host nations,” ani FIBA Basketball World Cup 2023 executive director David Crocker.

 

 

Pinangunahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagpapakilala sa World Cup mascot.

 

 

Ginanap ang official announcement sa Pilipinas kasabay sa Japan at Indonesia.

 

 

Ayon kay SBP president Al S. Panlilio, ang mascot na si JIP ay nagsisimbolo ng magandang samahan ng tatlong bansa para kapit-kamay na maitaguyod ng matagumpay ang World Cup.

 

 

May kuwento kung paano nabuo si JIP.

 

 

Istorya ito ng ng tatlong fans na nagkakilala online na sina Caloy na mula sa Pilipinas, Kota mula sa Japan at Dewi mula sa Indonesia para mabuo ang basketball robot.

 

 

Pagkakaisa ang simbolo ng robot na kailangan na kailangan hindi lamang sa Japan, Indonesia at Pilipinas maging sa buong mundo na dumaranas ng pandemya sa kasalukuyan.

Other News
  • Belmonte nagapela na buksan ang 2 intersections sa EDSA

    Nagapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga ahensiya ng national government na buksan ang dalawang (2) intersections na sinara sa kahabaan ng ESA upang mabawasan ang traffic sa nasabing major highway.   Nagpadala ng isang sulat si Belmonte sa Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Franchising and […]

  • Finale episode, nagtala ng all-time high concurrent viewers: SHARON, labis ang pasasalamat kay COCO at humihirit pa ng part two ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

    MARAMI talagang naapektuhan at pinaiyak sa farewell episode ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ last Friday na kung saan ang minahal na character ni Coco Martin na si Cardo Dalisay lang ang naiwang buhay sa Task Force Agila.   Isa sa nakapukaw ng damdamin ng mga viewers ang ‘tribute’ na ginawa nila ng serye para kay Ms. […]

  • Life-sized rebolto ni Kobe at Gigi Bryant inilagay sa crash site sa Los Angeles

    ITINAYO ng isang artist ang life-size na rebolto ng namayapang NBA legend na si Kobe Bryant at anak nitong si Gigi.     Dinala ni Dan Medina ang 160-pound bronze figure sa Calabasas, Los Angeles kung saan bumagsak ang sinasakyang helicopter ng LA Lakers star.     Temporaryo lamang aniya nito inilagay sa lugar bilang […]