• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Belmonte nagapela na buksan ang 2 intersections sa EDSA

Nagapela si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga ahensiya ng national government na buksan ang dalawang (2) intersections na sinara sa kahabaan ng ESA upang mabawasan ang traffic sa nasabing major highway.

 

Nagpadala ng isang sulat si Belmonte sa Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Franchising and Development Authority (LTFRB) upang makiusap na buksan ang interchanges sa EDSA-Munoz at EDSA-West Avenue-North Avenue.

 

“We made the request in response to the numerous complaints we received from motorists. While we fully support the national government’s transportation initiatives, particularly the EDSA Bus Carousel project, we have to do a balancing act so that we won’t compromise the welfare of those using EDSA,” wika ni Belmonte.

 

Nagmungkahi din si Belmonte na muling buksan ang ibang U-turn slots na sinara ng national government upang bigyan daan ang EDSA Bus Carousel project.

 

Nakita rin na ang pagbabawas ng lanes sa Balintawak Cloverleaf upang lagyan ng exclusive lane ang EDSA Bus Carousel ay nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng traffic sa nasabing lugar.

 

Ayon pa rin sa kanya kung mapagbibigyan sila sa kanilang pakiusap ay makakaasang magkakaron ng improvement sa mga nasabing lugar lalo na at  palapit na ang kapaskuhan at dahil na rin sa pagluluwag ng general community quarantine guidelines.

 

“The city government is ready to work with authorities to find ways in improving the flow of traffic in intersections, U-turn slots and bus loading bays within the city,” dagdag ni Belmonte.

 

Sinabi rin ni Belmonte na nagdagdag sila ng traffic enforcers sa mga affected na lugar at nakipagusap na rin sila sa MMDA upang buksan ang mga access roads upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng traffic.

 

Dagdag pa niya na ang local government ng Quezon City ay naghahanap rin ng mga iba pang solusyon upang bigyan ukol ang mga sikip na pangunahing lansangan sa lungsod lalo na ngayon Yuletide season.

 

Si MMDA general manager Jojo Garcia naman ang nagsabi na ang traffic engineers ng kanilang ahensiya ay pinag-aaralan kung maaaring gawin ang muling pagbubukas ng EDSA-Munoz at EDSA-West Avenue-North Avenue interchanges ganon din ang ibang U-turn slots sa EDSA upang mabawasan ang pagsisikip ng traffic sanhi ng pagsasara ng mga ito.

 

Nakikipag-ugnayan na ang MMDA kay QC Mayor Belmonte tungkol sa proposal na ito.  (LASACMAR)

Other News
  • 6 drug suspects nalambat sa Navotas buy bust, higit P.4M droga nasabat

    NASAMSAM ng pulisya sa anim na tulak ng ilegal na droga, kabilang ang dalawang itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang mahigit P.4 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Navotas […]

  • Navotas isinailalim sa State of Calamity dahil kay super typhoon ‘Carina’

    ISINAILALIM ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang lungsod sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina.     Ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyong Panglungsod Blg. 2024-67, na binabanggit na sa ilalim ng state of calamity, magagamit ng pamahalaang lungsod ang kanilang calamity fund at mapabilis ang relief at […]

  • Paglilinaw sa mga bahagi ng implementasyon ng SAP

    Upang masiguro na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng pandaigdigang krisis dulot ng pandemya, ang pambansang pamahalaan ay nagpatupad ng Social Amelioration Program (SAP). Ito ay nahahati sa dalawang bahagi- ang Relief at and Recovery. Bawat ahensya ng pamahalaan ay inatasan na tukuyin at ipatupad ang kanilang mga programa at serbisyo […]