Fighting Maroons bagong hari ng UAAP!
- Published on May 16, 2022
- by @peoplesbalita
TINAPOS ng University of the Philippines Fighting Maroons ang kanilang 36-taong pagkauhaw sa korona matapos talunin ang Ateneo Blue Eagles sa overtime, 72-69, sa ‘winner-take-all’ Game Three ng UAAP Season 84 men’s basketball championship kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Hinirang na bayani si guard Joel Cagulangan na nagsalpak ng three-point shot sa natitirang segundo ng extra period para wakasan ang paghihintay ng Katipunan-based cagers sa inaasam na korona.
Isinara ng Fighting Maroons ang kanilang best-of-three titular showdown ng Blue Eagles sa 2-1 sa harap ng 15,000 fans na nanood sa venue.
Huling nagkampeon ang UP noong 1986 sa likod nina Benjie Paras, Ronnie Magsanoc at Eric Altamirano sa ilalim ni legendary coach Joe Lipa.
Ipinoste ng Blue Eagles ang 69-64 abante sa huling 1:47 minuto ng overtime mula sa ikalawang triple ni Gian Mamuyac kasunod ang tres ni Cagulangan at slam dunk ni Malick Diouf para itabla ang Fighting Maroons sa 69-69 sa natitirang 39.7 segundo.
Umalog ang tangkang jumper ni Dave Ildefonso sa posesyon ng Ateneo sa huling 16 segundo na nagresulta sa game-winning triple ni Cagulangan para sa UP.
Nauna nang inilista ng Fighting Maroons ang 31-22 bentahe sa 3:22 minuto ng second period mula sa tres ni Cagulangan bago naagaw ng Blue Eagles ang 59-56 bentahe sa huling 56.7 segundo sa fourth quarter.
Ang triple ni CJ Cansino sa huling 47.8 segundo ang nagtulak sa Fighting Maroons sa overtime.
-
Requests, proposals ng Estados Unidos ukol sa EDCA, kasalukuyang sinusuring mabuti-PBBM
NIREREPASO ngayong mabuti ng Malakanyang ang “requests at proposals” ng Estados Unidos kaugnay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Binanggit ito ng Chief Executive sa isang event sa Quezon City nang tanungin ukol sa nirerepasong Mutual Defense Treaty, isang 70-year-old accord na nag-aatas sa Estados Unidos na idepensa ang Pilipinas mula sa anumang […]
-
‘The Flash’ Set Photos Reveal Sasha Cal’le’s Supergirl in Full Costume
ANDY Muschietti’s The Flash is filming in and around the greater London area, revealing additional looks at Sasha Calle’s new supergirl costume. Earlier this week, Muschietti himself teased the costume on his social media profiles, giving fans of the Calle-starring film their first high-quality look at the new duds before beginning to film on outdoor set […]
-
Ads February 24, 2022