Fil-Canadian tennis player Leyla Fernandez tiniyak ang malakas na pagbabalik sa US Open
- Published on September 14, 2021
- by @peoplesbalita
Umaasa si Filipino-Canadian tennis player Leyla Fernandez na magtatagumpay na sa kaniyang pagbabalik sa paglalaro sa US Open.
Ito ay matapos na mabigo siya kay Emma Raducanu sa finals ng US Open.
Ikinumpara pa ng 19-anyos na si Fernandez ang sarili sa New York na matapos ang 20 taon na September 11 terror attack ay matatag pa rin ito.
Bago kasi ang finals kay Raducanu ay tinalo ng ranked 73 sa buong mundo ang ilang mga sikat na tennis players gaya nina Naomi Osaka, 17th-ranked Angelique Kerber at ranked number 5 na si Elina Svitolina.
Kahit na natalo ay pinasalamatan niya ang pamilya nito na sumuporta mula sa simula at maging si Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Brooklyn Nets coach Steve Nash.
Ang coach ni Fernandez ay ang kaniyang ama na dating Ecuadorian footballer habang ang ina nito ay isang Fiipino-Canadian.
-
Gyms at indoor non-contact sports, pinayagan na ng IATF
GOOD news sa mga gym fanatics at mga mahilig sa indoor non-contact sports dahil pinayagan na ng Inter-Agency task Force (IATF) ang mga ito na mag-operate sa 30% venue capacity sa National Capital Region (NCR) Plus areas. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpulong noong Huwebes, Hunyo 10 ang IATF, kung saan pinayagan na […]
-
PAUL RUDD, napiling ‘People’s Sexiest Man Alive’ ng 2021 at ‘di ang nag-leak na si CHRIS EVANS
ISANG Marvel superhero ang napiling People’s Sexiest Man Alive of 2021. Hindi si Captain America Chris Evans ayon sa kumalat na leak, kundi si Ant-Man na si Paul Rudd. In-announce sa talk show na The Late Show with Stephen Colbert ang pagpili kay Rudd at pinakita na ang official cover ng […]
-
Psalm 4:5
Place your trust in the Lord.