• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FILING NG COCC, WALANG EXTENSION

Walang extension ng  filling ng Certificate of Candidacy o COC, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

 

Sinabi ni Comelec Spokesman Director James Jimenez, ang filling ng COC ng mga nais kumandidato para sa 2022 May election ay nakatakda sa October 1 hanggang 8, 2021.

 

Ayon kay Jimenez, ang last minute ng pagbabnago ng kandidadto o withdrawal ng kanilang candidacy ay hanggang November 15 .

 

Paliwanag niya,dapat nakapag-file na ng withdrawal of candidacy ang isang kandidato dahil kailangan na aniyang mag-imprenta ng mga balota sa nasabing petsa.

 

Meron naman aniyang calendar of activities kung saan  nakadetalye  ang window for withdrawal.

 

“Puwede ka involuntary withdrawal dahil namatay o disqualified, pwede ka mag-replace pero substitution, voluntary withdrawal hanggang Nov. 15” ayon pa kay Jimenez.

 

Samantala,target pa rin ng Comelec na umabot sa 4 milyon ang bagong botante  sa mga mag-18 taong gulang.

 

Sa ngayon ay nasa 1.9 milyon pa lamang ang nagpaparehistro kasama na ang mga new registered voters at mga nag-reactivate ng kanilang voters registration. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Buhay pa rin ang alaala after twenty years: CLAUDINE, naging emosyonal sa mensahe ng ina ng yumaong aktor na si RICO

    MULING nakasama ni Claudine Barretto si Mrs. Teresita Castro-Yan, ang ina ng yumaong aktor at former boyfriend ng aktres na si Rico Yan.      Naganap ito noong March 28, 2022 sa Manila Memorial Park, Parañaque City upang gunitain ang ika-dalawampung anibersaryo ng kamatayan ni Rico, na sumakabilang-buhay noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Resort, Puerto Princesa, Palawan.     Nakasama nina Mrs. Yan at Claudine ang mga […]

  • Walang fare hike

    Hindi kinatigan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang panawagan ng mga transport groups na magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa public utility jeepneys (PUJs).       Ito ang sinabi ni Tugade sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng signing ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr at Department […]

  • Meralco, muling nagpaalala sa publiko hinggil sa tamang pagtitipid ng kuryente

    NAGPAALALANG  muli ang pamunuan ng Manila Electric Company sa publiko hinggil sa tamang pagtitipid ng kuryente ngayong panahon ng tag-init.     Ginawa ng kumpanya ang pahayag, kasunod ng naging ulat ng state weather na nagpapatuloy ang paghina ng hanging amihan.     Sinabi ng ahensya na ito ay magdudulot ng maalinsangan at mainit na […]