Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup
- Published on March 11, 2023
- by @peoplesbalita
Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.
Matatandaang kabilang ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.
Sisipa ang FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20.
Ayon pa kay Samoura, kapuri-puri ang pagsabak ng mga bagong koponan dahil makakahikayat ang mga ito ng kabataan na pagbutihin ang mga sports na mapipili. (CARD)
-
Thirdy tumugon sa PBA
Sumulat na si Thirdy Ravena sa pamunuan ng PBA upang ipaliwanag ang desisyon nitong muling maglaro para sa San-En NeoPhoenix sa Japan B.League. Sariwa pa si Ravena sa pagpirma ng multi-year contract kasama ang NeoPhoenix na magiging dahilan upang hindi ito makalahok sa PBA Rookie Draft sa ikalawang sunod na taon. […]
-
Ads May 17, 2021
-
PBA 2nd conference tuloy!
Tuluy na tuloy na ang pagdaraos ng second conference ng Philippine Basetball Association (PBA) Season 46 kung saan masisilayan ang matitikas na foreign imports. Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na inaprubahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang special permit para sa mga foreign imports na darating sa bansa. […]