Filipinas at men’s football team sasabak sa mga international game
- Published on October 8, 2024
- by @peoplesbalita
NAGHAHANDA na ang men’s and women’s football team ng bansa para sa paglahok sa mga pangunahin kompetisyon.
Sa darating na Oktubre 11 hanggang 14 ay lalahok ang men’ national team sa King’s Cup sa Thailand kung saan makakaharap nila ang host country, Tajikistan at Syria.
Habang ang Filipinas ay sasabak sa Pink Ladies Cup sa mula Oktubre 26-30 kung saan makakasagupa nila ang Jordan at Congo.
Tiwala naman si men’s football team head coach Albert Capellas na magtatagumpay ang koponan ng bansa dahil sa matinding ensayo ang kanilang ipinakita.
Nakita nito ang malaking potensiyal ng mga manlalarong Pinoy dahil sa personal niya itong nag-scout sa kanila.
Siniguro naman ni Filipinas head coach Mark Torcaso na makakapaglaro sila sa Asian Cup 2026 at World Cup 2027 kaya labis ang kanilang ginagawang paghahanda.
-
Bukod sa big-budgeted movie na ‘Firefly’: DINGDONG, balitang may gagawin din sa Star Cinema kasama si MARIAN
MAGIGING busy na nga ba ngayon ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera? Unang nag-post sa Instagram si Marian ng “Hello flower lovers! It’s Marian of Flora Vida, and I’ve got exciting news for you. Out new color is blooming, and it’s the rich and sultry maroon! Plus, we’re […]
-
Tulak isinelda sa P500K shabu sa Caloocan
MAHIGIT P.5 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng ilegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) matapos matimbog sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Tyrone Dimaano alyas […]
-
PDU30, pupunta ng US para magpasalamat sa suplay ng bakuna laban sa COVID-19
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari siyang magpunta sa Estados Unidos para pasalamatan ito sa pagsu-supply sa Pilipinas ng ilang milyong COVID-19 jabs. Matapos makumpirma mula kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang Estados Unidos ay magpapadala ng 5 milyong higit pa ng COVID-19 vaccine shots sa Pilipinas, pinuri ng […]