• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FILIPINONG PARI, ITINALAGANG MIEMBRO NG PONTIFICIAL ACADEMY

ITINALAGA ni Pope Francis ang Filipino Dominican na si Fr.Albino Barrera , isang theologian at economist bilang miyembro ng  Pontifical Academy of Social Sciences.

 

 

Nakabase sa United States ang 65 taong gulang na pari  na moral theologian at professor ng economics at theology sa Providence College sa Rhode Island.

 

 

Ayon sa Catholic Bishoos Conference of the Philippines (CBCP), inanunsyo ng Vatican ang pagkakatalaga ni Fr.Barrera nitong Martes, September 14.

 

 

Itinatag ni Pope John Paul II noong 1994, nilalayon ng Pontifical Academy of Social Science na pag-aralan at talakayin ang pag-usad ng mga agham panlipunan, pangunahin sa ekonomiya, sociology, law at political science.

 

 

“The Academy helps offer the Church those elements which she can use in the development of her social doctrine, and reflects on the application of that doctrine in contemporary society,” ayon sa Vatican News.

.

 

Si Fr.Barrera ay ipinanganak sa Manila at naordenahan bilang pari para sa  Dominican Order noong 1993.

 

 

Nag-aral ng engineering sa De La Salle University sa Manila at nakakuha ng doctorate sa economics mula Yale University noong 1988.

 

 

Nang maglaon ay nakakuha ang pari ng degree sa sagradong teolohiya mula sa Pontifical Faculty of the Immaculate Conception sa Washington, D.C., noong 1994.

.

 

Si Fr. Barrera ay may-akda rin ng maraming mga pahayagan sa larangan ng moral theology, economic ethics, development at international trade.

 

 

Noong 2013, ang Dominican Province of St. Joseph ipinagkaloob sa kanya ang degree ng Master of Sacred Theology para sa kanyang “outstanding contribution to the theological sciences”. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 487K AstraZeneca vaccines darating sa Pinas

    Darating sa Pilipinas ang 487,200 bakuna mula sa AstraZeneca.     Ito ang inanunsiyo ni Sen. Bong Go na sinabing sasalubungin nila ito (Marso 4, Huwebs) ni Pangulong Rodrigo Duterte dakong alas-7 ng gabi sa Villamor Airbase.     Ang nasabing bakuna ay mula sa COVAX facility.     “This is to confirm that the initial […]

  • 203 bagong COVID-19 cases sa Phl naitala; 41 labs ‘di nakapagsumite ng datos – DOH

    Aabot lang sa 203 ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na 41 laboratoryo sa bansa ang sinuspinde ang kanilang operations at hindi nakapagsumite ng datos dahil sa Bagyong Odette.     Sinabi ng Department of Health (DOH) na 395 pa ang gumaling sa sakit, at 64 ang nadagdag sa mga nasawi.   […]

  • Robredo, nagdaos ng thanksgiving para sa mga supporters, volunteers

    NAGDAOS araw ng Biyernes, Mayo 13 ng thanksgiving event si Vice President Leni Robredo kasama ang buong Angat Buhay team sa Ateneo de Manila University (AdMU) campus.     Tinawag na “Tayo ang Liwanag”, sinabi ni Robredo na layon nito na ipaabot ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga supporters at volunteers na sumama sa kanyang […]