• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Final guidelines para sa 2022 polls, ilalabas sa 4Q ng 2021 – Comelec

Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa huling quarter ng 2021 ang final guidelines para sa 2022 national elections.

 

 

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, binabalangkas pa nila ang mga guidelines na ihahanay sa umiiral na sitwasyon ng COVID-19 pandemic, na inaasahang tatagal pa hanggang sa halalan.

 

 

“Ongoing pa yung aming proseso dahil hinihimay pa yung halos lahat ng protocols from canvassing, filing, from bilangan [ng boto], lahat. So siguro end or last qurater ng taong ito [ire-release],” wika ni Abas sa isang public briefing.

 

 

Wala pa ring pasya ang poll body sa ngayon kung ipagbabawal nila ang face-to-face na pangangampanya.

 

 

Isa rin aniya sa ikinokonsidera para sa 2022 elections ay ang paglilimita sa bilang ng mga botante sa kada presinto ng hanggang lima lamang.

 

 

Paglalahad ni Abas, ganito ang gagawin sa plebisito sa Palawan na itinakda sa Marso 13 at titingnan nila kung magiging epektibo ang ganitong protocol.

 

 

Maliban dito, ipatutupad din nila ang health and safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shields, at pagsunod sa social distancing.

 

 

“Marami tayong ilalatag d’yan but depende yan sa magiging assessment ng ating health experts lalo na ‘yung IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases). Susunod kami sa mungkahi ng health experts,” anang poll official. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mary Elizabeth Winstead, Back in Action as Dangerous Assassin in ‘Kate’ & Clint Eastwood, Returns in a New Western Drama ‘Cry Macho’

    AFTER joining Harley Quinn as the Huntress in Birds of Prey, actress Mary Elizabeth Winstead is back in action on Netflix’s new film Kate.     In this movie, Winstead plays the role of a ruthless criminal operative, who has 24 hours to take down her enemies.     Watch the first trailer for the film below: […]

  • Pinilit lang na mag-audition ng kanyang US agent: INIGO, muntik nang hindi makasama sa FOX series na ‘Monarch’

    NAGSIMULA ring bilang child stars sina Carmina Villarroel at Chuckie Dreyfuss kaya alam nila ang mga pinagdaraanan ni Jillian Ward na bida na ngayon sa GMA Afternoon Prime teleserye na ‘Abot Kamay Na Pangarap’.     Ilan sa mga naging pelikula ni Chuckie ay Idol, I Have Three Hands, The Crazy Professor, Mga Kuwento Ni […]

  • PBBM, uungkatin ang isyu ng South China Sea sa EU-ASEAN Summit

    UUNGKATIN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang isyu ng South China Sea sa European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Business Summit sa Brussels, Belgium sa susunod na linggo.     Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na kabilang ang South China Sea  sa mahalagang usapin na […]