• April 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Final testing and sealing ng mga VCM sa Israel, naisagawa

INIULAT ng Philippine Embassy sa Israel na naging matagumpay ang final testing at ang sealing o pagpapatakbo at pagseselyo ng vote counting machines (VCM) na gagamitin sa halalan.

 

 

Isinagawa ito bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng overseas absentee voting (OAV) sa darating na Linggo.

 

 

Naging bukas naman ito sa mga kinatawan ng political parties at iba pang observer.

 

 

Ang testing sa mga balota at ang pagseselyo sa mga makina ay bahagi rin ng mga itinatakdang aktibidad ng poll body, upang matiyak ang kahandaan ng mga mangangasiwa sa halalan, pati na ang mga makinang gagamitin sa eleksyon.

 

 

Kasabay nito, tinuruan na rin ng technical team ang iba pang aalalay sa halalan hinggil sa proseso ng paggamit ng VCMs.

 

 

Tiniyak naman ng embahada na mahigpit namang paiiralin ang physical distancing sa pagdaraos ng OAV, upang maiwasan ang anumang posibilidad ng hawaan ng virus.

Other News
  • Inspection ng OFW hospital, pangungunahan ni Pangulong Duterte : Operasyon, sisimulan ngayon

    INANUNSYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbubukas na ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital ngayong Lunes, Mayo 2.     Sa isang statement, sinabi ng DOLE na ang OFW Hospital na itinayo sa San Fernando City, Pampanga ay magbibigay ng medical care at health services sa mga OFWs at ng kanilang […]

  • Dengue, leptospirosis, TB mas delikado na kaysa COVID-19

    MAS DAPAT mabahala ngayon ang mga Pilipino sa dengue, leptospirosis at iba pang sakit kaysa COVID-19 dahil mas nakamamatay na ito ngayon lalo ngayong pagtama ng tag-ulan sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).     Sa kasalukuyan, ikinatwiran ni Health Secretary Teodoro Herbosa na mas mababa na ang bilang ng tinatamaan ng COVID-19 […]

  • Meralco, may rollback sa singil ng kuryente ngayong buwan ng Mayo

    INANUNSIYO  ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagpapatupad ng rollback sa singil ng kuryente para ngayong buwan ng Mayo.     Ito ay kasunod ng dalawang buwang trend ng mataas na electricity rate matapos na ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-refund ng nasa P7.8 billion mula sa excess collections makaraan ang isinagawang validation […]