• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Findings ng Task Force PHILHEALTH, hinihintay ng Malakanyang

NAKASALALAY  sa kalalabasan ng imbestigasyon ng Task Force PHILHEALTH kung dapat bang managot at makasuhan si DOH Secretary Francisco Duque hinggil sa  naungkat na anomalya sa ahensiya.

 

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng findings ng Senado na dapat maisama si Duque sa mga nararapat na kasuhan kaugnay ng katiwalian sa PHILHEALTH.

 

Aniya, kung lalabas na may pagkakatulad sa findings ng Mataas na Kapulungan at ng Task Force, hayaan daw na maging gayun ang susunod na hakbang pero sa ngayon, ang mas maiging gawin na lang muna ay hintayin ang report ng Task Force.

 

Kumbinsido naman si Sec. Roque na mas in depth o mas may  malalim ang isinasagawang imbestigasyon ng TF PHILHEALTH hinggil sa nahalukay na anomalya.

 

Nandun na daw kasi ang halos lahat ng ahensiya na sumisiyasat sa accountability ng isa o mga indibidwal na dapat papanagutin sa kanilang mga ginawa gaya ng Civil Service Commission… DOJ … Ombudsman at iba pa.

Subalit ang hinihintay ani Sec.  Roque nila sa ngayon ay ang ilalabas na report ng Task Force na una ng binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 30 araw para tapusin ang pagsisiyasat.

Sa Setyembre 14  magtatapos aniya ang imbestigasyon ng Task Force at sa loob ng buwang ito ayon kay Roque ay nais ng Pangulong Duterte na makita ang findings ng body sa pangunguna ng DOJ.

(Daris Jose)

Other News
  • Pagtiyak ng SSS, walang data records ng mga miyembro ang naapektuhan ng sunog sa main office

    TINIYAK ng Social Security System (SSS) na walang data records ng mga miyembro nito ang naapektuhan ng sunog na tumama sa main office, Linggo ng madaling araw, Agosto 28.     Sa isang kalatas, sinabi ng  SSS na ang lahat ng payments ay tatanggapin at ipo-post nang naaayon.     “SSS assures the public that […]

  • Rep. Arnulfo Teves sinuspinde ng 60-araw ng Kamara

    PINATAWAN ng 60-araw na suspension si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves dahil sa pagliban sa session ng House of Representatives.     Umabot sa 292 na mga mambabatas ang bumoto na pumabor sa ulat ng House committee on ethics and previleges dahil sa hindi nito pagpasok kahit natapos na ang kaniyang authority to […]

  • EX-PNP chief Purisima inabswelto ng Sandiganbayan sa 8 kaso ng perjury

    LUSOT sa walong kaso ng perjury ang dating hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima ayon sa Sandiganbayan Second Division.   Kaugnay ito ng diumano’y kabiguan niyang iulat ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa mga taong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014.   Sinabing pagmamay-ari ng […]