• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Findings ng Task Force PHILHEALTH, hinihintay ng Malakanyang

NAKASALALAY  sa kalalabasan ng imbestigasyon ng Task Force PHILHEALTH kung dapat bang managot at makasuhan si DOH Secretary Francisco Duque hinggil sa  naungkat na anomalya sa ahensiya.

 

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng findings ng Senado na dapat maisama si Duque sa mga nararapat na kasuhan kaugnay ng katiwalian sa PHILHEALTH.

 

Aniya, kung lalabas na may pagkakatulad sa findings ng Mataas na Kapulungan at ng Task Force, hayaan daw na maging gayun ang susunod na hakbang pero sa ngayon, ang mas maiging gawin na lang muna ay hintayin ang report ng Task Force.

 

Kumbinsido naman si Sec. Roque na mas in depth o mas may  malalim ang isinasagawang imbestigasyon ng TF PHILHEALTH hinggil sa nahalukay na anomalya.

 

Nandun na daw kasi ang halos lahat ng ahensiya na sumisiyasat sa accountability ng isa o mga indibidwal na dapat papanagutin sa kanilang mga ginawa gaya ng Civil Service Commission… DOJ … Ombudsman at iba pa.

Subalit ang hinihintay ani Sec.  Roque nila sa ngayon ay ang ilalabas na report ng Task Force na una ng binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 30 araw para tapusin ang pagsisiyasat.

Sa Setyembre 14  magtatapos aniya ang imbestigasyon ng Task Force at sa loob ng buwang ito ayon kay Roque ay nais ng Pangulong Duterte na makita ang findings ng body sa pangunguna ng DOJ.

(Daris Jose)

Other News
  • Fajardo tatapatan ni Laput

    KAABANG-ABANG sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa parating na Marso 14 si James Laput.     May mensahe agad siyang pinarating kay six-time league Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer na halos singtaas niya – 6-10 ang sentro ng Beermen, 6-9 si Laput.     “My […]

  • FIFA pinuri ang Filipinas matapos na makasama sa unang pagkakataon sa World Cup

    PINAPURIHAN ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.     Kabilang kasi ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.     Gaganapin ang FIFA […]

  • 50 milyong Pinoy target bakunahan ngayong taon

    Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyong Filipino ngayong taon, ayon kay Secretary Vince Dizon.     Sinabi ni Dizon na upang maisakatuparan ang pagbabakuna sa 50 milyong Pinoy, kailangang maturukan ang nasa 250,000 hanggang 300,000 kada araw.     “We have a goal of inoculating of about 50 million Filipinos this year. […]