FIRE PROTECTION AGENT AT 2 BABAE, TIMBOG SA P253K SHABU
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang fire protection agent ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Reya Remodaro, 24, (Pusher Listed top 4), sales lady, Elizabeth Yabut , 59, (Pusher/ not listed), kapwa ng 1586 Sawata A1 Caloocan City at Glen Ritaga, 48, Fire Protection Agent, residinte ng 663 Mary Ann St. Isla San Juan Tondo manila City.
Ayon kay Col. Tamayao, alas-4:10 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation kontra sa dalawang babae sa Dalagang bukid corner Tanigue St. Brgy. Longos Malabon City matapos ang natanggap na impormasyon ng pulisya hinggil sa pagbebenta ng illegal na droga ng mga ito.
Nagawang makapagtransaskyon ng isang pulis na umaktong poseur-buyer kay Remodaro at Yabut ng P500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nasamsam sa mga suspek ang 47 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 37.3 gramo ng shabu na may standard drug price P253,640 ang halaga, buy-bust money at sling bag. (Richard Mesa)
-
Pilipinas magpapadala ng 584 na atleta sa Hanoi SEA Games
AABOT sa 584 na atleta ang ipapadala ng bansa na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa buwan ng Mayo. Bukod pa dito ay mayroong 80 iba pa ang nasa appeals list na sasamahan sila ng 161 officials. Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, […]
-
LIVELIHOOD ASSISTANCE SA MGA NAVOTEÑOS
UMABOT sa 673 mga benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang P1,000 cash aid sa unang araw ng payout ng pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng livelihood assistance sa ilalim ng Navo-Ahon Ayuda program. Kabilang dito ang 38 jobseekers na nagtapos noong 2020-2021; 339 displaced workers; 25 delivery rider; 65 jeepney drivers; anim na […]
-
OVP sumobra ipinasang liquidation report sa COA, resibong ginamit sa P23.8-M gastos kinukuwestyon
Sa pagmamadali na matugunan ang pagkuwestyon ng Commission on Audit (COA) sa paggastos ng P23.8 milyong halaga ng confidential fund ng Office of the Vice President (OVP), sumobra umano ang kuwestyunable at kahina-hinalang resibo na isinumite upang bigyang katwiran ang ginawang paggastos. Isinumite ng OVP ang 158 AR upang bigyang katwiran ang paggastos […]