First appearance ni SHARON sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, inabangan at nasilayan na bilang Aurora
- Published on November 27, 2021
- by @peoplesbalita
NOONG Biyernes, November 26, ang unang araw ng paglabas ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Si Sharon mismo ay nag-share ng teaser sa kanyang FB page kung saan ipinahayag niya na lalabas na siya sa highly-popular action series ni Coco Martin.
Ang ‘very special participation’ ni Sharon ay ang isa sa mga highlights sa ikaanim na taong anibersaryo ng FPJAP. Maganda tiyak ang role na ibinigay ng Dreamscape kay Sharon kaya napapayag nila ang megastar na mag-taping at gumawa ng isang teleserye.
First time na gagawa ni Sharon ng teleserye sa ABS-CBN, something that she hasn’t done in her entire career.
Marahil nami-miss na ni Mega ang pag-arte kaya ‘di ito nag-atubiling tanggapin ang alok ng Dreamscape Entertainment na makasama sa action series ng aktor at direktor.
Kanino kaya may kaugnayan si Sharon sa kwento ng FPJAP – kay Coco or kay Julia Montes?
Baka naman kay President Oscar Hidalgo (played by Rowell Santiago, one of Mega’s favorite leading man and a dear friend).
Tiyak na maraming Sharonians ang nag-abang para masilayan ang first appearance ni Sharon bilang Aurora sa FPJ’s Ang Probinsyano.
***
TULOY na tuloy na raw ang fluvial parade na idaraos ng mga festival entries this year.
Dahil kailangan pa rin ang social distancing because of the Covid 19 virus, pag-uusapan pa raw ng Execom ang pagdaraos ng isang fluvial parade in lieu of the traditional parade of stars ng MMFF entries every year.
Last year ay virtual ang parade, pati ang awards night. Pero this year ay sa Pasig River rarampa ang 8 competing entries sa MMFF.
From Pasig ay daraan ang fluvial parade sa Mandaluyong, Makati at magtatapos sa Maynila.
Paano kaya mag-aabang ang mga fans sa mga artista kung nasa Pasig River ang sentro ng parade?
Well, bahala ang Execom ng MMFF, headed by Benjur Abalos, sa panukala nilang ito.
We are sure gagawa sila ng paraan para maengganyo ang mga tao to go out para saksihan ng ang fluvial parade.
(RICKY CALDERON)
-
DOH: 8,346 bagong COVID-19 infections sa Phl naitala; active cases pumalo na sa 71,472
Iniulat ng Department of Health (DOH) na aabot sa 8,346 ang bagong COVID-19 infections sa bansa, na mayroon nang kabuuang bilang sa ngayon na 1,054,983, hindi pa kasama ang datos mula sa pitong laboratoryo. Ayon sa kagawaran, mula sa kabuuang bilang ay 71,472 ang total active cases, kung saan 94.7% ang mild, 1.9% […]
-
JM, nanahimik dahil naging abala sa walong buwan na military training
TSINUGI na sa cast ng GMA teleserye na Owe My Love si Mystica dahil diumano sa attitude problem nito. Ayon sa production, marami raw demands si Mystica at sunud- sunod ang kanyang reklamo sa lock-in taping schedule, sa pagkain at pati ang kasama niya sa kuwarto na si Kiray Celis ay pinag-initan niya. Nireklamo […]
-
Ads July 6, 2022