‘Old-style Ginebra’ armas ni Cone sa semis vs Bolts
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Sa kanilang pagpasok sa semifinal round ay inasahang muling maglalaro ang Barangay Ginebra sa tinatawag ni head coach Tim Cone na ‘old-style Ginebra basketball’.
Ito ang ginamit ni Cone sa 81-73 pagsibak ng No. 1 Gin Kings sa No. 8 Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang quarterfinals match sa 2020 PBA Philippine Cup.
“We got to go play some old-style Ginebra basketball,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion mentor. “We went back to the 90s, played that kind of style of basketball.”
Haharapin ng Ginebra sa best-of-five semifinals series ang Meralco na kanilang winalis sa tatlong beses na bakbakan nila sa Finals ng PBA Governor’s Cup.
“They have a very, very good team, a lot of quality players on their team, but we’ll be out there fighting,” sabi naman ni one-time PBA Grand Slam mentor Norman Black.
Sinibak ng No. 5 Bolts ang No. 4 at five-time champions na San Miguel Beermen, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, matapos kunin ang 78-71 panalo noong Biyernes at ang 90-68 tagumpay noong Linggo sa kanilang ‘do-or-die’ game.
Ito ang unang semifinals stint ng Meralco sa isang All-Filipino Conference matapos bumalik sa PBA noong 2010.
Samantala, itinuring ni Phoenix coach Topex Robinson na ‘magical’ ang kanilang pagpasok sa semis matapos ang 89-88 paglusot sa No. 7 Magnolia sa quarterfinals.
“It’s just so magical for us,” ani Robinson. “We’re just so blessed to be here, to grind it out with one of the best teams, a well-coached team.”
Lalabanan ng Fuel Masters ang No. 3 TNT Tropang Giga, pinatalsik ang No. 6 Alaska, 104-83, sa quarterfinals, para sa best-of-five semifinals wars na magsisimula bukas.
-
Pinas, US foreign affairs, defense secretaries magpupulong sa Washington
MAGDARAOS ang mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ng Pilipinas at Estados Unidos ng high-level meeting sa Washington sa darating na Abril. Layon nito na palakasin ang kanilang political at military engagement sa harap ng posisyon ng China sa South China Sea. Sinabi […]
-
DILG magpapalabas ng guidelines ukol sa pre-campaign period activities
MAGPAPALABAS ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng guidelines sa local government units (LGUs) hinggil sa mga aktibidad ng electoral candidates bago pa magsimula ang campaign period sa Pebrero ng susunod na taon. “Ako mismo maglalabas ako ng guidelines para sa mga LGUs ano ‘yung mga panuntunan kapag may caravan at […]
-
2023 Budget pirmado na ni Mayor
NILAGDAAN na ni Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan ang budget ng pamahalaang lungsod para sa taong 2023 na nagkakahalaga ng P22.2 bilyon, na ang halos kalahati ay nakalaan para sa serbisyong panlipunan at pang-kalusugan. “Isinumite natin ito sa Sangguniang Panlungsod at kaagad naman nilang tinalakay, sinuri, pinag-aralang maigi at ipinasa sa kanilang […]