• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First episode ng ‘MayLine On Me’, nag-viral at naka-5M views: MAVY, sinagot ang tanong ni KYLINE kung bakit naghintay for two years

NAG-VIRAL at nakakuha ng mahigit 5M views na sa Tiktok ang kauna-unahang episode ng “MavLine On Me” podcast ng Sparkle love team nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.  

 

 

Bukod doon, nakuha rin nito ang 7th spot sa Top 10 Spotify Philippines’ Top Podcast chart.

 

 

Sa podcast natanong ni Kyline kung bakit siya hinintay ni Mavy for two years at ang sagot nito: “Cause I’ve been telling you in those 2 years how meaningful of a person you are.  Kyline knows once I say something and I promised it, I never break it.  And one of the promises I said was no matter what you decide, I will never leave your side.”

 

 

Pero kahit hindi raw sila nag-usap for a few months, Mavy kept his promise because without her knowing, he was messaging the people around her checking on Kyline.

 

 

Kaya kinilig ang maraming netizen sa rebelasyon ni Mavy, at sabi nila, ang swerte raw ni Kyline at sana raw ay dumami pa ang katulad ni Mavy.

 

 

Ang “MavLine On Me,” podcast is now streaming on Spotify.  Every Sunday, napapanood  na magkasama sina Mavy at Kyline sa “All-Out Sundays.”

 

 

****

 

 

CONGRATULATION sa Kapuso adventure-serye na “Lolong” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.  

 

 

Very recently ay kinilala ang “Lolong” bilang “Best Primetime Serye” sa Gawad Pilipino 2022 Icon Awards.  Ito ang kauna-unahang award na nakuha ng top-rating show nina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Marco Alcaraz, Ian de Leon, Jean Garcia at Christopher de Leon.

 

 

Nagbubunga na nga ang hard work at dedication ng cast at production team. Bukod sa namamayagpag ito sa rating, laging magaganda ang feedback na nakukuha ng “Lolong” tungkol sa husay ng cast at ganda ng kuwento ng show.

 

 

Napapanood ito gabi-gabi, 8:00 PM sa GMA-7, pagkatapos ng “24 Oras.”

 

 

                                                            ***

 

 

NAGHAHANDA na si Bea Alonzo para sa pag-alis niya, for her first GMA Pinoy TV concert.

 

 

Inamin ni Bea na na-excite siya na magkaroon ng concert bilang isa na siyang Kapuso. Magsi-celebrate ang GMA Pinoy TV ng kanilang 17th anniversary, kaya ngayong pwede na muling magkaroon ng live concert abroad,  handog nila ang “Together Again: A GMA Pinoy TV @ 17 Concert” on September 24 and 25, to be held at Pechanga Theater, Pechanga Resort Casino, Temecula, California, USA.

 

 

The show will be directed by Mark Reyes, at makakasama ni Bea sina Ms. Ai Ai delas Alas, Ms. Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at si Dingdong Dantes.

 

 

Balitang after the concert ay magkakaroon pa sila ng pictorial para sa coming Kapuso Christmas Station ID.

 

***

 

 

NATUWA ang mga fans ni Alden Richards nang mag-post siya sa kanyang social media accounts ng: “Lift your heads as I present to you, MY newest business venture Myriad Corporation as a part of this momentous event!

 

 

Si Alden ang CEO of Myriad Corporations, na may kinalaman sa reunion concert ng Eraserheads.  Nag-post na rin sa social media accounts nila sina Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro.

 

 

Ang “Huling El Bimbo 2022” ay magaganap sa December 22 sa SMDC Festival Gounds sa Paranaque City.  Ang concert ay magsisilbi ring Pamasko ng grupo sa kanilang mga fans.

 

 

Nag-post na rin si Alden ng “Tickets on sale soon!”

 

 

Meanwhile, don’t forget na sa Monday, September 26, ang world premiere ng “Start-Up PH” nina Alden at Bea sa GMA Telebabad, after “Lolong,”

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Herd immunity sa Metro Manila, kayang makuha kapag umabot na sa 5 milyon ang nabakunahan

    KAILANGANG umabot sa limang milyong mga bakunadong taga- Metro Manila para makuha ang inaasam – asam na herd immunity sa NCR.   Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez na base sa kanilang pag- uusap nina MMDA Chairman Benhur Abalos ay nakikita nilang magkakaroon na ng containment sa NCR kapag naabot ang 5 million individual […]

  • CHARACTER POSTERS AND MAIN TRAILER FOR “CONCRETE UTOPIA,” STARRING LEE BYUNG-HUN, PARK SEO-JUN AND PARK BO-YOUNG, RELEASED

    In the aftermath of a disaster, the story really begins. Watch the main trailer for the thrilling Concrete Utopia, and check out the newly released character posters. Concrete Utopia, starring Lee Byung-hun, Park Seo-jun and Park Bo-young, opens in Philippine cinemas September 20.       Directed by Um Tae-hwa, Concrete Utopia is loosely based on Part 2 of […]

  • Guce ika-52, binulsa P53K

    SINARA ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa one-over par 72 pa-three-over par 216 at mapabilang sa apat na nagtabla sa ika-52 posisyon na mayroong $1,067 (P53K) bawat isa pagrolyo ng 16th Symetra Tour 2021 11th leg $250K (P12.4M)  4th Donald Ross Course sa The Donald Ross Cross Course sa Frenck Linck, Indiana nitong Sabado […]