• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First four official entries ng MMFF 2022, inilabas na: VICE at COCO, muling magtatapat sa takilya at lalaban din si IAN at TONI

SA Christmas season, tiyak na ‘Balik Saya’ na naman ang 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) na kung saan inilabas na ang first 4 official entries.

 

 

Kinabibilangan ng first 4 MMFF 2022 official entries na base sa script submission:

 

1. LABYU WITH AN ACCENT (ABS-CBN Productions, Inc)

Director: Rodel P. Nacianceno, Writer: Patrick Valencia

Starring: Coco Martin & Jodi Sta. Maria

 

2. NANANAHIMIK ANG GABI (Rein Entertainment Productions)

Director & Writer: Shugo Praico

Starring: Ian Veneracion, Mon Confiado & Heaven Peralejo

 

3. PARTNERS IN CRIME (ABS-CBN Film Production Inc & Viva Films)

Director: Cathy Garcia-Molina, Writer: Enrico Santos

Starring: Vice Ganda & Ivana Alawi

 

4. THE TEACHER (TEN17P)

Director: Paul Soriano, Writer: Emma Villa

Starring: Joey de Leon & Toni Gonzaga

 

Ang deadline ng finished film submission (na kung saan pipiliin ang apat pa na official MMFF entries) ay sa September 2 (for early birds submission) at September 30 (regular submission).

 

 

Nakaka-excite ang pagbabalik ni Vice Ganda sa MMFF, na palaging topgrosser ang entries na kung saan makatatapat niya si Coco Martin na balik-filmfest din.

 

 

Idagdag pa ang kaabang-abang na tambalan nina Joey de Leon at Toni Gonzaga. Matatandaan na topgrosser sa MMFF 2021 ang horror comedy na The ExorSIS nina Toni at Alex Gonzaga.

 

 

Winner din ang pagtatambal nina Coco at Jodi Sta. Maria, ganun ang tandem nina at Ivana Alawi, tiyak na patok at riot ito.

 

 

For sure, ‘di patatalo ang movie nina Ian Veneracion na sex and violence naman ang tema.

 

 

Two months from now, malalalaman na ang kukumpleto sa Magic 8 ng MMFF 2022, na inaasahan na magiging exciting entries din tulad ng first four entries.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • SHARON, nagpa-reduce ng breast at may pinaayos sa loob ng ilong; ‘Revirginized’ nagtala ng most pre-sold tickets sa ktx.ph

    NAGBABALIK ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang pinakamainit, pinakamakipot at pinakamasikip na role sa bagong pelikula sa Viva Films, ang Revirginized.     Ang direktor ng trending digital movies na Paglaki Ko Gusto kong Maging Pornstar, Tililing at Ang Babaeng Walang Pakiramdam, na si Darryl Yap ay may bago na namang comedy film […]

  • 2 PUGANTENG KOREAN NATIONAL, ARESTADO SA ILLEGAL DRUGS AT TELECOM FRAUD

    NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Korean national na wanted sa illegal drugs at telecom fraud.     Kinilala ni  Immigration Commissioner Jaime Morente ang dalawang pugante na si Lee Dongju, 39 at Sim Kyuchul, 40 na naaresto ng mga miyembro ng BI’s fugitive search unit sa isang hotel sa […]

  • Orbon namemeligro sa WOQT

    MABIGAT ang kinakaharap ni Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSPFI) president Richard ‘Ricky’ Lim sa pagparito mula Estados Unidos ni Filipina-American Joan Orbon upang sumama sa national karate team sa Philippine Sports Commission (PSC) bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna.   Dahilan ito sa napakahigpit na Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) health […]