First time lang sumali, title holder agad: CRISTINA, kinoronahan bilang ‘Noble Queen of the Universe 2022’
- Published on January 5, 2023
- by @peoplesbalita
Sa Instagram ay pinost ni Tim ang photo nila ni Javi na magka-holding hands habang nasa Amapulo beach sila at may caption na “married… again.”
Kinasal si Tim at ang events director na si Javi noong December 25, 2018 sa New York. Isa sa naging witness ng kanilang intimate wedding ay ang Broadway star na si Lea Salonga.
Hindi naman binanggit ni Tim kunsaan naganap ang renewal of vows ni Javi. Binati sila ng maraming kaibigan at may nag-comment pa na hindi na naman daw sila ulit naimbitahan.
***
PUWEDE nang isama ng aktres at former Tacloban mayor na si Cristina Gonzalez-Romualdez sa kanyang credentials ang pagiging isang beauty title holder.
Kinoronahan si Kring-Kring bilang Noble Queen of the Universe 2022 noong nakaraang December 29 sa Tokyo Prince Hotel sa Japan.
Ito ang first time na sumali ng 52-year old actress-politician sa isang beauty pageant at sinuwerteng mauwi niya ang korona.
Bukod sa title, na-proclaim din si Kring-Kring na Ambassador of Humanity.
Kinabog lang naman ni Kring-Kring ang maraming candidates, kabilang na ang dalawang re-representatives ng Japan na sina Yuko Boguchi (Noble Queen Globe, Ambassador Queen of Health and Wellness) at Jenny Miglioretto (Noble Queen Tourism, Ambassador Queen of Integrity) na at USA na si Marjorie Renner (Noble Queen of the Universe LTD, Ambassador Queen of Goodwill, Best in Active Wear)
Ang dalawa pang representative ng Pilipinas ay nakatanggap din ng special title at awards: Sheralene Shirata (Noble Queen Earth, Ambassador Queen of Environment and Best in National Costume) and Leira Buan (Noble Queen International, Ambassador Queen of Respect and Best in Long Gown).
Ang unang nagwaging Noble Queen of the Universe ay si Patricia Javier noong 2019.
***
SA interview ni Prince Harry with Anderson Cooper sa programang 60 Minutes, sinabi nito na wala na raw posibilidad na balikan niya in the future ang kanyang royal duties at maging full-time member ng royal family.
Naging public nga ang dapat ay internal problem ni Harry sa kanyang pamiltya. Nakadagdag pa raw dito ay ang paglabas ng docu-series na Harry & Meghan sa Netflix.
Ayon sa Duke of Sussex, wala raw siyang balak na isapubliko ang problema nila ni Meghan with the royal family. Pero wala raw siyang choice dahil wala raw nakikinig sa kanila at wala silang makuhang proteksyon.
Sey ni Harry: “Every single time I tried to do it privately, there have been briefings and leakings and planting of stories against me and my wife. You know, the family motto is ‘never complain, never explain’… It’s just a motto and it doesn’t really… hold.
“Through leaks, they will speak or have a conversation with the correspondent and that correspondent will literally be spoon-fed information and write the story, and at the bottom of it they will say they reached out to Buckingham Palace for comment, but the whole story is Buckingham Palace commenting.
Sa kabilang banda, gusto naman ni Harry na magkaroon na maayos na reconciliation with his father, King Charles at sa nakakatandang kapatid na si Prince William. Pero mukhang malabo raw itong mangyari.
“It never needed to be this way. I would like to get my father back. I would like to have my brother back, but they have shown absolutely no willingness to reconcile,” diin pa ni Harry.
-
DAVID, handang sumubok sa sexy movies at willing ipakita ang lahat para walang mabitin
DAHIL nauuso na naman ang mga sexy movies, handa raw ang Kapuso hunk na si David Licauco na subukan ito. May malaking advantage si David dahil maraming netizen na parating inaabangan ang mga sexy pictorial niya for Bench Body. Kung sakaling gumawa ng sexy movie ito, tiyak na maraming beki ang manonood nito, […]
-
Normal ang operasyon ng PUVs sa bansa-Malakanyang
TINIYAK ng Malakanyang na walang magiging aberya maliban sa kaunting ruta sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng nagpapatuloy na transport group strike. Tinukoy ang mga ulat mula sa DOTr, LTFRB, MMDA at PNP, sinabi ng Malakanyang na sa pamamagitan ng Libreng Sakay program, nagbigay ang gobyerno ng libreng sakay para sa mga commuters […]
-
Grupo ni Manny Pangilinan may planong magkaroon ng buy out sa Ayala’s LRT1 stake
TULOY ang plano ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) sa ilalim ni Manny Pangilinan na bilihin ang 35 porsiento investment ng mga Ayalas sa operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) upang mas mapalakas ang MPIC’s portfolio na siyang magbibigay daan sa tuluyang pag-bid sa nasabing railway. “Our company is looking […]