• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time makatrabaho si Diego na gaganap ding anak niya: CESAR, na-challenge kung paano ipu-portray ang role bilang Pres. FERDINAND MARCOS

SA July 20na pala ang showing ng dramedy film na Maid In Malacanang ng Viva Films na mula sa script at direction ni Darryl Yap, kaya puspusan na ang pagsu-shooting nila.

 

 

Ang movie ay mula sa kuwento ng reliable source ni direk, tungkol sa mga pangyayari sa Palace, 72 hours bago umalis ang mga Marcoses for Hawaii.

 

 

Sanay nang mag-portray si Cesar Montano ng buhay ng mga bayani, tulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio, pero this time, na-challenge siya kung paano ipu-portray ang role niya bilang si President Ferdinand Marcos, dahil konti lamang ang available videos na pwede niyang ma-research tungkol sa former President ng Pilipinas.

 

 

Kaya, nakipag-usap si Cesar kay Senator Imee Marcos para tanungin tungkol sa kanilang ama, para mabigyan niya ng justice ang pagganap niya sa role nito. Nagpasalamat din si Cesar dahil first time lamang niyang nakatrabaho ang anak niyang si Diego Loyzaga na siyang gaganap bilang si Bong Bong Marcos.

 

 

Nakikita na rin ngayon ang group photo ng Marcos family sa movie, with Ruffa Gutierrez as First Lady Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Imee, Ella Cruz as Irene, Kyle Velino as Greggy Araneta and Kiko Estrada as Tommy Manotoc.

 

 

Playing the maids in Malacanang sina Ms. Elizabeth Oropesa as Yaya Lucy, Karla Estrada as Yaya Santa, and Beverly Salviejo as Yaya Biday.

 

 

***

 

 

NAS South Korea na ang cast ng Running Man Philippines based sa Instagram post ng director ng reality show na si Rico Gutierrez.

 

 

Kita ang saya kina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid, Buboy Villar, Angel Guardian, Lexi Gonzales at Kokoy de Santos.

 

 

Nag-post din si Ms. Lilibeth G. Rasonable, head ng GMA Entertainment Group ng “a happy & fulfilling day with SBS – meeting, exploring, & being treated to a sumptuous orig Korean dinner.” Kasama rin ni Ms. Rasonable sa group sina Bang Arespacochaga, Janine Piad-Nacar at Enri Calaycay.

 

 

Tatagal ang shoot nila roon ng almost two months, kaya kaabang-abang kung kailan natin ito mapapanood sa GMA-7.

 

 

***

 

 

PUMASOK na ang bagong character sa sportserye na Bolera nina Kylie Padilla, Jak Roberto at Rayver Cruz, na si Klea Pineda.

 

 

Klea is playing the role of a lady billiard player known as Golden Eye. Pero kapapasok pa lamang niya, galit na ang mga netizens sa kanya dahil maangas siya at tiyak na siyang makakalaban ni Bolera.

 

 

First encounter pa lamang nila may asaran nang naganap, magpapatalo ba naman si Bolera?

 

 

Nagtatanong ang netizens kung si Klea raw ang makakatambal ni Jak sa serye. Matatandaan na minsan nang nagtambal ang dalawa sa isang GMA Afternoon Prime series na Stories From the Heart: Never Say Goodbye at nagustuhan ng mga viewers ang tambalan nila.

 

 

Napapanood ang Bolera gabi-gabi after First Lady sa GMA-7.

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Halos 700 mga private schools, sarado muna ngayong school year -DepEd

    Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magiging pansamantala lamang ang pagsuspinde muna ng nasa halos 700 mga pribadong paaralan sa buong bansa sa kanilang operasyon ngayong school year.   Ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, nasa 676 ang mga private schools ang nagsabi na raw sa kanila na hindi raw muna sila magbubukas ngayong […]

  • US journalist patay sa Russian attack sa Ukraine; 2 pang mamamahayag, sugatan

    HINDI rin nakaligtas sa mas tumitindi pang kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine ang mga American journalist na kasalukuyang nasa Ukraine.     Ito ay matapos na masawi ang isang award-winning American journalist na si Brent Renaud, na kinilalang naging contributor sa pahayagang New York Times matapos itong barilin umano ng Russian forces […]

  • SEKYU TODAS SA DALAWANG KABARO

    Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang security guard matapos barilin at mapatay ang 21-anyos na security guard na mula sa ibang agency kasunod ng isang kaguluhan sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa katawan si Yasser Ampuan ng Prostegein Security Agency at residente ng North Fairfiew, Quezon […]