First time na gagawa ng teleserye: RONNIE, tinanggap ang offer dahil sa request ng namayapang ina
- Published on July 24, 2024
- by @peoplesbalita
FIRST time na tumanggap ng teleserye si Ronnie Ricketts dahil ito raw ang request sa kanya ng namayapang ina na si Edith Naldo-Ricketts.
Ayon kay Ronnie, lagi siyang pinipilit ng kanyang ina na gumawa ng teleserye na mapapanood niya dahil naka-base siya sa United States noon.
“Sabi niya, ‘Anak, I hope makagawa ka man lang para mapanood kita’ kasi she’s based in the States. Sabi ko, ‘Mommy, may bagong offer.’ Ito nga, ‘yung Mga Batang Riles. Sabi niya, ‘Oh, gawin mo na.’
I said, ‘Mommy, may mga sina-suggest pa akong little ideas baka mapagbigyan ako.’ ‘Gawin mo ‘yan,’ that was the last word she told me. After I talked to her, three days after, my mom passed away,” saad ni Ronnie.
Isa pang rason ni Ronnie sa pagtanggap ng MBR ay mga bata ang bida na pinangungunahan ni Miguel Tanfelix.
“I want to mentor young actors kasi kailangan, e, so sabi ko ang sarap ipasa nung alam ko, ipapasa ko sa kanila. Mapu-push mo sila, e.”
***
NILINAW na ni Kim Cattrall ang mga balitang kumalat na makakasama na siya season 3 ng ‘Sex And The City’ reboot series na And Just Like That…
Nagkaroon kasi ng special appearance si Kim as Samantha Jones sa last episode ng AJLT season 2. Nag-usap sila ni Carrie Bradshaw (Sarah Jessica Parker) over the phone dahil nasa London siya.
Noong ma-renew for season 3 ang series, may nagkalat sa social media na mabubuo na ulit ang girls ng Sex And The City. Pero diretsang sinagot ni Kim ito via X: “Aw that’s so kind but I’m not.”
Never nga raw siya nakipag-usap with any HBO executives re the show. One time thing lang daw yung ginawa niya last season and she has put Samantha Jones to rest.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Lakers coach Frank Vogel sinibak sa puwesto – report
SINIBAK na sa puwesto ang head coach ng Los Angeles Lakers na si Frank Vogel. Ito ay matapos ang bigong pagpasok sa NBA playoffs ng Lakers ngayong season at nagtapos ngayong season na mayroong 33 panalo at 49 na talo. Naging coach ng Lakers si Vogel noong 2019 kapalit ng tinanggal […]
-
Rep. Arnulfo Teves sinuspinde ng 60-araw ng Kamara
PINATAWAN ng 60-araw na suspension si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves dahil sa pagliban sa session ng House of Representatives. Umabot sa 292 na mga mambabatas ang bumoto na pumabor sa ulat ng House committee on ethics and previleges dahil sa hindi nito pagpasok kahit natapos na ang kaniyang authority to […]
-
PBBM, patungong Davos para sa misyon na selyuhan ang investments, mag-uwi ng mas maraming hanapbuhay para sa mga Pinoy
LUMIPAD na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Davos, Switzerland, araw ng Linggo para manghikayat at makasungkit ng mas maraming investments sa World Economic Forum (WEF). Layon ng Pangulo na itulak ang kahandaan ng bansa sa mga gampanin sa regional at global expansion plans habang ang bansa ay bumabawi mula sa epekto ng pandemya. […]