• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First time na magkakaroon ng entry sa Cinemalaya: JC, napatunayang aktor at ‘di tulad ng ibang guwapo pero banong umarte

SA social media lang nalamam ni former FDCP Chairperson Liza Dino na pinalitan na siya ni Tirso Cruz III bilang head ng naturang agency.

 

 

Noong Martes ng umaga ay umugong ang tsika sa social media na nakatakdang manumpa ni Tirso bilang bagong head ng FDCP.

 

 

Pero hindi ito nakumpirma until lumabas sa balita na nanumpa ang former matinee idol sa kanyang bagong posisyon sa Malacanang.

 

 

Sa isang video message ay ipinahayag ni dating FDCP chairman na she will ensure a smooth transition para sa pagpasok ni Tirso bilang bagong FDCP chair.

 

 

Sinabi pa niya na handa siyang i-welcone sng aktor sa FDCP office.

 

 

Kahit na her term of office was extended for three years ni dating Pangulong Duterte, option ni President Bongbong Marcos na mag-appoint ng mga bagong tao sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng FDCP.

 

 

In fairness kay Chair Liza, marami naman naging accomplishments ang FDCP under her watch. With Tirso as FDCP’s new chairman, umassa kami na ipagpapatuloy niya ang mga magagandang projects ni  na makatutulong sa industriya.

 

 

***

 

 

LEVEL up na ang arrive ni Direk Roman Perez, Jr. dahil may entry na siya sa Cinemalaya 2022.

 

 

After doing a number of sexy movies for Vivamax kung saan nagkaroon siya ng cult following, ibang level naman para sa kanya na magkaroon ng Cinemalaya entry.

 

 

Kaluskos ang title ng entry ni Direk Roman na magsisimula sa August 5. Ano kayang tipo ng movie ang handog ng direktor?

 

 

It is not your usual stuff.  Kaya interesting malaman kung ano ang kwento ng Kaluskus at ano ang kaibahan nito sa mga sexy movies na ginagawa ni Direk Roman sa Vivamax.

 

 

If we are not mistaken, unang pagkakataon na may film entry si JC de Vera sa Cinemalaya. Pero several years ago ay nagwagi siya ng best actor award sa isang indie filmfest.

 

 

JC started his career sa showbiz as a teenager at kahit na noong panahon na yun ay kinakitaan na siya nang kahusayan sa pagganap.

 

 

Habang lumilipas ang mga taon ay patuloy na pinanday ni JC ang pagiging mahusay niyang actor thru various roles sa TV at pelikula.

 

 

At least pinatunayan ni JC na hindi lang siya basta a pretty face but is a competent actor as well, unlike other actors na guwapo lang pero bano umarte. Ouch!

 

 

Kasali rin si JC sa cast ng pinag-uusapang serye na Flower of Evil na co-prod ng Viu Entertainment at Dreamscape.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • PSC tiwalang bubuhos ang suporta sa Pinoy athletes

    Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey na bubuhos ang suportang pinansiyal para sa sports program ng mga atleta.     Maningning ang kampanya ng Team Philippines sa Tokyo Olympics kung saan sigurado na ang Pilipinas na makapag-uuwi ng apat na medalya tampok ang gold-medal performance ni Hidilyn Diaz.     Kaya naman […]

  • Presyo ng pulang sibuyas, pumalo na sa Php340 kada kilo; siling labuyo sa Php700 kada kilo

    TUMAAS  na sa P340 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas lalo’t ilang linggo na lamang ay araw na ng kapaskuhan habang ang siling labuyo naman kahit sa pinakamaliit ay pumalo sa P700 kada kilo sa ilang mga pamilihan sa gitna ng mahigpit na supply nito.   Batay sa price watch ng Dept. of Agriculture […]

  • Mga nasasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon pumalo na sa 1-M – WHO

    NASA mahigit isang milyon na ang nasawi dahil sa COVID-19 ngayong taon lamang.     Ayon sa World Health Organization (WHO), isang nakakalungkot na balita ito dahil sa may mga kaparaanan na sana para ito ay malabanan.     Mula ng ma-detect ang nasabing virus noong 2019 ay mayroon ng mahigit anim na milyon ang […]