First time nilang nagkasama sa isang movie: JASMINE, na-challenge dahil si JOHN LLOYD naman after PIOLO
- Published on November 7, 2024
- by @peoplesbalita
“FIRST time physical,” bulalas ni Jasmine Curtis-Smith sa partisipasyon niya for the first time sa face-to-face event ng QCinema International Film Festival 2024.
“Very happy! Tuwing nagiging parte ng film festival parang feeling ko isa siyang malaking party for filmmakers.
“Kasi bukod sa nagtatrabaho naglalaro din, you’re able to explore more and see different risktakers e, sa pelikula.”
Unang beses na nagsama sa isang pelikula sina Jasmine at John Lloyd, sa ‘Moneyslapper’ na bahagi ng nabanggit na film festival.
“Nag-TV na kami e, first film.”
Ano ang pakiramdam maging leading man ang isang John Lloyd Cruz?
“Whoa! Very, very challenging for me, obviously. Na tuwing makaka-work ko yung mga tulad nilang calibre ang lebel… John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, of course there’s a different range of abilities and skills na ako, I guess dinadaanan ko pa lang, bini-build up ko pa lang, na sila talaga mastered na nila iyan, so I’m just grateful kasi kapag nakapares ko sila ang dami ring natututunan for myself to bring on sa mga susunod ko.
“Na ako na next yung magiging level nila. Yesss,” at tumawa si Jasmine.
Humingi ba siya ng advise sa ate niyang si Anne Curtis bilang una nitong nakatrabaho si John Lloyd?
Aniya, “Actually wala naman. Pagdating kasi sa mga trabaho or mga castmates namin medyo bihira namin talaga pag-usapan yung work.
“As in bihira,e. Tuwing magkasama kami naka-focus kami sa… ngayon, obviously, meron akong pamangkin sa kanya, talagang family time.”
Ang QCinema 12 na gaganapin mula Nobyembre 8 hanggang 17 ay mapapanood sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma, Red Carpet sa Shangri-la Plaza, at Powerplant Mall.
Ang edisyon ng QCinema 2024 ay binubuo ng dalawang main competition sections: ang Asian Next Wave at QCShorts International . Sa taong ito, mas pinaigting ang QCShorts na tampok ang Southeast Asian films kasama ang anim na Filipino short film grantees sa kumpetisyon.
Kasama sa line up ng Asian Next ang “Don’t Cry Butterfly” ni Duong Dieu Linh (Vietnam, Indonesia, Philippines, Singapore), Grand Prize winner sa Venice Critics’ Week; Pierce ni Nelicia Low (Taiwan, Poland, Singapore), Best Director sa katatapos na Karlovy Vary Crystal Globe Competition; at Mistress Dispeller, isang feature documentary ni Elizabeth Lo (China, USA), winner ng NETPAC award for Best Asian Film sa Venice.
Mapapanood din ang Happyend ni Neo Sora (Singapore, UK, USA), Tale of the Land (Indonesia, Philippines, Qatar, Taiwan), winner ng Fipresci prize sa Busan; Viet and Nam ni Truong Minh Quy (Philippines, Vietnam, Singapore, France, Netherlands, Germany, Italy, USA), na itinampok sa Cannes’ Un Certain Regard; at ang Moneyslapper ni Bor Ocampo (Philippines) na magkakaroon ng world premiere.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Secure Ventures: Aboitiz Land’s Real Estate Forum in Singapore and Malaysia
Explore safe and secure real estate investment opportunities offered by Aboitiz Land in the thriving real estate markets of Central and South Luzon, as well as Cebu. This invitation is your gateway to investing in a brighter future. Discover investment opportunities at https://bit.ly/aboitizlandoverseas. Following its successful foray into the Middle East, Aboitiz Land is reaffirming […]
-
P5K, makukuha ng bawat pamilyang apektado ng bagyong Odette
NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbibigay ng P5,000 cash aid sa bawat pamilya na apektado ng bagyong Odette. Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na mayroon namang sapat na pondo para sa cash aid sa mga Odette-hit families. “There are many of the poor who were affected. We […]
-
133,000 family food packs, ipinadala sa Enteng affected areas -DSWD
IPINADALA na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 133,000 family food packs sa mga lugar na labis na tinamaan ng Tropical Storm Enteng. Iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa kasalukuyan ay pino-proseso na nila ang isa pang 100,000 family food packs. […]