• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FISH PORTER PINAGBABARIL, MALUBHA

AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang fish porter matapos harangin at pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek sa Malabon City.

 

Si Gerald Enrique, 20 of 1st Street, Block 28, Lot 7, Brgy. Tanong ay isinugod ng kanyang his live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

 

Sa follow-up operation ng mga tuahan ng Malabon Police Sub-Station 6, agad namang naaresto si Melvin Perdez, 27 at Nixon Vinluan, 25, kapwa ng C-4 Road, Brgy. Tanong habang ang sinasabing gunman na si Antonio Mendoza, 22, alyas “Oting” ay pinaghahanap pa ng pulisya.

 

Sa report nina police investigators P/Cpl. Archie Beniasan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, alas1:30 ng madaling araw magtatapon ang biktima ng basura nang harangin ito ng mga suspek sa kahabaan ng C-4 Road.

 

Isa sa mga suspek ang naglabas ng baril saka pinagbabaril si Enrique sa katawan bago mabilis na nagsitakas habang isa sa tinitignan ng pulisya na posibleng motibo sa insidente ay personal na alitan. (Richard Mesa)

Other News
  • Paggamit ng SUCs bilang quarantine facility, tuluy-tuloy lang-CHED

    Tuluy-tuloy ang paggamit ng State Universities at Colleges SUCs bilang quarantine facilities hanggang kailangan ng local governments ang pasilidad ng state universities.   Sinabi ni  Commission on Higher Education (CHED) CHED Chairman Prospero De Vera na may 28 state unviersities at colleges  ang ginagamit ngayon bilang quarantine facilities habang nananatiling ipinagbabawal ang klase sa mga campus dahil […]

  • Presidential Spokesperson Harry Roque positibo sa COVID-19

    Kumpirmadong nahawaan ng kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19) ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si presidential Spokesperson Harry Roque, kanyang pagbagbalita, Lunes.     Aniya, kakukuha lang niya ng resulta ngayong umaga mismo — ilang oras bago samahan si Duterte mamaya.     “As of 11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta, nagpositibo po […]

  • Airport security chief pinagbibitiw sa pwesto ni Speaker Romualdez

    HINILING ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibitiw sa pwesto ni retired PNP General Mao Aplasca na siyang hepe ng Office of Transport Security.     “I am advising the OTS chief: submit your courtesy resignation before the House of Representatives tackle the budget of your office. Mag-resign ka na. Kung hindi ka magsa-submit ng […]