300 employees ng Singaporean bank inilikas dahil sa COVID-19 case
- Published on February 14, 2020
- by @peoplesbalita
AABOT sa 300 staff ng isang malaking bangko sa Singapore ang inilikas bilang precautionary measure laban sa coronavirus infectious diseases (COVID-19).
Ito’y kasunod ng ulat na isa sa mga empleyado ang na-diagnose sa sakit.
Sinabi ng isang International correspondent na si Mercy Saavedra Cacan, na isinailalim na sa 14-day home quarantine ang mga empleyadong nakasalamuha ng COVID-19 patient.
Katulong daw ng mga ito ang gobyerno sa pagmomonitor ng kanilang kondisyon.
Nago-opisina raw ang mga ito sa 43rd floor ng isang gusali.
Nananatili naman umano ang Singaporean government sa pangako nitong magsu-supply ng pagkain at pangangailangan ng mga apektadong residente.
Batay sa latest update ng pamahalaan, 47 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore.
-
Apektado nang malamang may abdominal cancer: ISKO, isa sa unang bumisita sa naging ka-tandem na si Dr. WILLIE
ISA si Isko Moreno sa mga unang dumalaw kay Dr. Willie Ong. Sey pa ng Manila mayoral aspirant na ganun na lang daw ang pagdarasal niya para sa agarang paggaling na kaibigan niyang naging ka-tandem niya last presidential elections. Kasalukuyang nakipaglaban si Doc Willie ngayon sa abdominal cancer. Apektado si Yorme […]
-
Simpleng tax rules para sa work-from-home business process outsourcing
IDINIIN ni House ways and means panel chair Rep. Joey Salceda ang kahalagahan ng “mas simple at mas malinaw na mga patakaran sa buwis” sa gitna ng napipintong paglilipat ng mga BPO sa Board of Investments (BOI). Aniya, dapat gawing “mas simple” ng gobyerno ang mga patakaran sa buwis para sa mga kumpanya […]
-
Ads December 15, 2023