• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FISH PORTER PINAGBABARIL, MALUBHA

AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang fish porter matapos harangin at pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek sa Malabon City.

 

Si Gerald Enrique, 20 of 1st Street, Block 28, Lot 7, Brgy. Tanong ay isinugod ng kanyang his live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

 

Sa follow-up operation ng mga tuahan ng Malabon Police Sub-Station 6, agad namang naaresto si Melvin Perdez, 27 at Nixon Vinluan, 25, kapwa ng C-4 Road, Brgy. Tanong habang ang sinasabing gunman na si Antonio Mendoza, 22, alyas “Oting” ay pinaghahanap pa ng pulisya.

 

Sa report nina police investigators P/Cpl. Archie Beniasan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, alas1:30 ng madaling araw magtatapon ang biktima ng basura nang harangin ito ng mga suspek sa kahabaan ng C-4 Road.

 

Isa sa mga suspek ang naglabas ng baril saka pinagbabaril si Enrique sa katawan bago mabilis na nagsitakas habang isa sa tinitignan ng pulisya na posibleng motibo sa insidente ay personal na alitan. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 9, 2020

  • Team Pacquiao, ‘mixed emotions’ sa pagreretiro ni Pacman

    Inamin ni dating two division world boxing champion Gerry Penalosa na mixed emotion sila sa pagreretiro ng kaibigang si Sen. Manny Pacquiao para sa larangan ng boxing.     Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, masaya sila na makakapag-focus na sa iba pang mahahalagang bagay ang Pinoy ring icon.     Pero nalulungkot din sila […]

  • Binata kulong sa marijuana

    KALABOSO ang isang 21-anyos na binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Valenzuela City.   Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si John Azer Co, 21, ng 28 C. Palo Alto St. Brgy. Marulas.   Ayon kay Station Drug […]