• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yorme Isko, pananagutin ang Mga lokal na opisyal na lumalabag sa quarantine protocols

PATULOY na pananagutin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga lokal na opisyal na hayagang lumalabag sa quarantine protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa katunayan, ayon kay Mayor Isko Moreno ay may barangay chairman na inakusahan na sangkot sa illegal cockfighting sa Tondo at may ilang barangay officials naman ang nahuli na nag-iinuman sa labas ng kanilang bahay.

“Ngayon po mayroon tayong bagong kinasuhan na chairman, nahuli po silang nagsasabong at nakakuha po tayo ng mga testigo na talagang naglaro sila ng sabong during the GCQ sa isang maliit na eskinita sa Tondo,” ayon kay Mayor Isko sa Palace press briefing.

Hindi naman nito pinangalanan ang nasabing barangay chairman.

“‘Yung isa naman ho, kanina may nakita akong video na nag-iinuman sa labas ng kalye, araw na araw, mga barangay officials. So tuloy-tuloy po ‘yung ating pagkastigo sa mga iresponsableng barangay officials while at the same time pinupuri naman natin ‘yung iba,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi pa ni Mayor Isko na inatasan na niya si Manila Police District chief Police Brigadier General Rolando Miranda at ang local police commanders na palagiang i-monitor ang situwasyon sa 896 barangay sa Lungsod ng Maynila.

Matatandaang, noong nakaraang linggo ay may 34 magulang ng mga menor de edad na di umano’y lumabag sa quarantine measures ang inaresto ng kapulisan.

Napaulat din na may ilang residente ng Lungsod ang nakitang binalewala ang social distancing measures at ang tamang pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong lugar sa gitna ng krisis sa kalusugan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • LTO muling magbibigay ng driver’s license na plastic cards

    MAGSISIMULA nang muling magbigay ng plastic cards na driver’s license ang Land Transportation Office (LTO) matapos ang ilang buwan na kumpirmahin ang kakulangan ng plastic cards.       Matatandaan na nagdesisyon ang LTO na magbigay muna ng temporary licenses na nakalagay lamang sa isang papel.       “We have enough numbers of plastic […]

  • Ayo, Miguel wanted sa IATF

    KAILANGANG mkipagkita na sina coaches Aldin Ayo ng University of Santo Tomas (UST) Growling  Tigers at Norman Miguel ng National University (NU) Lady Bulldogs o kanilang kinatawan sa Martes, Setyembre 1 sa Inter-Agency Task Force (IATF) o  government panel inquiry team para sa quarantine violation ng kanilang koponan.   Kumalat sa social media ang training […]

  • Gobyerno, ginagawa ang lahat para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa toll roads sa Pinas

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na ipinatutupad na ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) ang lahat ng mga hakbang para mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at tiyakin ang maayos na byahe sa toll roads sa bansa sa panahon ng holiday season.     Pinangunahan ni […]