• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay

BILANG  pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay.

 

 

Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang isyu bukod pa sa iba pa nitong tungkulin at responsibilidad.

 

 

“It is high time that our barangay officials be given what is due for them and recognize their vital role in carrying out government activities to the communities,” ani Duterte.

 

 

Sa House Bill 502, isinusulong ng mambabatas ang pagkakaroon ng fixed salary sa barangay officials at pagdeklara sa kanilang bilang regular government employees upang makatangap ng tamang kompensasyon at iba pang benepisyo na tinatanggap ng government employees.

 

 

Bilang basic political unit, nagsisilbi ang barangay bilang primary planning and implementing unit ng government projects, programa at polisiya.

 

 

Ang barangay chairman at miyembro ng barangay council ay tumatanggap ng lamang ng honorarium at hindi fixed na sahod. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ulo gugulong sa SRA sa pag-angkat ng asukal

    INIIMBESTIGAHAN na ng Malacañang ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration matapos maglabas ng hindi awtorisadong reso­lusyon para mag-import ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo rin bilang kalihim […]

  • Ukrainian President Zelensky iginiit na hindi natatakot sa anumang bansa

    IGINIIT ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na hindi sila natatakot sa anumang bansa.     Sinabi nito na marami silang mga kaalyadong bansa na handang tumulong.     Reaksyon ito sa naging anunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na tila inaampon na nila ang dalawang breakaway region ng Ukraine ang Donetsk at Luhansk.     […]

  • MGA NAGPAREHISTRO SA ELEKSIYON 2021, UMABOT SA HALOS P3M

    UMABOT na sa 2,904,347 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro para sa Eleksyon 2022.     Ayon sa Comelec, simula ito noong nakalipas na taon nang ibalik ang pagpapatala sa gitna ng pandemya hanggang nitong Mayo 15.     Sa inilabas na datos  ng Comelec, pinakamarami ang nagpatala para makaboto sa 2022 noong Enero hanggang […]