• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Flattening of the curve’ sa COVID-19 naabot na – Duque

Naabot na ng Pilipinas ang tinatawag na ‘flattening of the curve’ ng mga kaso ng COVID-19 mula noong Abril pa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 

“We have successfully flattened the curve since April,” ayon kay Duque sa isang online press conference kahapon.

 

Iginiit niya na ang kaniyang kon­klusyon ay base sa mas mahabang pagdoble ng kaso ng COVID-19 at ng bilang ng mga nasasawi. Mula sa 2.5 araw bago magdoble ang bilang ng mga kaso, nasa 8-12 araw na umano ito ngayon bago magdoble.

 

Dulot umano ito ng malaking ibinuti ng programa at pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 tulad ng mga quarantine protocols at pagpapalakas ng kapabilidad ng health system.

 

Sa Metro Manila, may average na 8.89 araw bago magdoble ang mga kaso habang 8.25 araw naman sa Cebu City.  Sa buong bansa, may average na 8.18 araw bago magdoble umano ang mga kaso.

 

Ngunit inamin naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mataas ang average na kada araw ng COVID-19 na 766 ngayong Hulyo kumpara noong Hunyo. Dulot umano ito ng pagtaas sa mga kaso sa mga binabantayang lugar at clustering o pagkakakumpol-kumpol nito sa mga komunidad.

Other News
  • LTFRB didinggin ang petisyon ng transport groups

    ITINAKDA ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa September 26 ang pagdinig ng petisyon na inihain ng transport groups para sa P5 na taas pasahe bilang minimum fare.     Kasama sa didinggin sa petisyon ang provisional adjustment na P1 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong krudo sa merkado. […]

  • 2.99 million Filipinos, nananatiling walang trabaho

    KABUUANG 2.99 million mga Pinoy ang naitalang walang trabaho sa bansa ngayong patuloy na nananatili sa 6 percent ang unemployment sa buwan ng Hunyo kumpra noong Mayo.     Ang nasabing bilang ay mas mababa na kumpara noong June 2021 kung saan nasa 7.7 percent o 3.77 million ang walang trabaho.     Ang mga […]

  • 2 VINTAGE BOMB, NAKUHA SA CAVITE SHOAL

    MAINGAT na nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang dalawang vintage bomb sa isinasagawang soil sampling operation sa San Nicolas Shoal, Cavite.   Ayon sa PCG, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag sa kanila upang ipagbigay alam ang presensya ng dalawang pampasabog dakong alas-4:30 kamakalawa ng umaga.   Pinayuhan […]