• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Flattening of the curve’ sa COVID-19 naabot na – Duque

Naabot na ng Pilipinas ang tinatawag na ‘flattening of the curve’ ng mga kaso ng COVID-19 mula noong Abril pa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 

“We have successfully flattened the curve since April,” ayon kay Duque sa isang online press conference kahapon.

 

Iginiit niya na ang kaniyang kon­klusyon ay base sa mas mahabang pagdoble ng kaso ng COVID-19 at ng bilang ng mga nasasawi. Mula sa 2.5 araw bago magdoble ang bilang ng mga kaso, nasa 8-12 araw na umano ito ngayon bago magdoble.

 

Dulot umano ito ng malaking ibinuti ng programa at pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 tulad ng mga quarantine protocols at pagpapalakas ng kapabilidad ng health system.

 

Sa Metro Manila, may average na 8.89 araw bago magdoble ang mga kaso habang 8.25 araw naman sa Cebu City.  Sa buong bansa, may average na 8.18 araw bago magdoble umano ang mga kaso.

 

Ngunit inamin naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mataas ang average na kada araw ng COVID-19 na 766 ngayong Hulyo kumpara noong Hunyo. Dulot umano ito ng pagtaas sa mga kaso sa mga binabantayang lugar at clustering o pagkakakumpol-kumpol nito sa mga komunidad.

Other News
  • SINAKSIHAN nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez ang pagsubuan ng cake

    SINAKSIHAN nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez ang pagsubuan ng cake nina Reynaldo Gregorio, 59, at Rosario Avelino, 55, ang pinakamatandang mag-asawa na kabilang sa 51 long-term partners na ikinasal sa libreng Kasalan Bayan na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa mga Navoteño. (Richard Mesa)

  • Russia, kumpiyansa na maaaprubahan na ang COVID-19 vaccine sa Agosto

    Desidido ang Russia sa magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus.   Target kasi ng gobyerno ng Russia na aprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto ang bakuna na gawa ng Moscow-based Gamaleya Institute.   Aaprubahan na ito sa public use kung saan ang unang mabibigyan ay ang mga frontline […]

  • Bilang ng mga nasawi sa C-130 ng PAF plane crash sa Sulu, nadagdagan pa!

    Nasa 31 na katao  na ang na­matay kung saan 29 ang sundalo at dalawang sibil­yan matapos bumagsak ang C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) kahapon ng umaga sa Ba­rangay Bangkal, Patikul, Sulu.     Ginagamot naman sa ospital ang 50 pang sundalo at apat na sibilyan habang patuloy ang search and rescue operations sa […]