Flexi work ‘bagong normal’ sa gobyerno – CSC
- Published on June 10, 2022
- by @peoplesbalita
IPATUTUPAD pa rin ang “flexible work arrangement” sa gobyerno at ituturing na “bagong normal” matapos makita ng Civil Service Commission (CSC) na epektibo ito kahit na matapos ang pandemya.
Sinabi ni CSC commissioner Aileen Lizada na ang institutionalization ng flexible work arrangement ang sagot ng komisyon sa bagong normal para sa gobyerno upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng mahusay na serbisyo publiko.
Ang inaprubahang flexible work arrangement ay magkakabisa sa Hunyo 15.
Nakapailalim ito sa pagpapasya ng pinuno ng ahensya sa kondisyon na ang lahat ng kanilang mga stakeholders ay tuluy-tuloy na maghahatid ng mga serbisyo mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.
Nagbibigay din ito ng reasonable work arrangements para sa mga senior citizen, mga buntis at mga ina na nagpapasuso, mga taong immunocompromised na may malalang kondisyon, at mga taong dumanas ng mga aksidenteng nakakaapekto sa kanilang mobility pero maaari pa ring magtrabaho physically at mentally.
Kabilang sa mga work arrangements ang Flexiplace – ang mga opisyal at empleyado ay maaaring pahintulutan na magbigay ng mga serbisyo na malayo sa kanilang opisina; at 40-hour work week na gagawin sa loob ng apat na araw sa halip na lima; Flexitime, kung saan ang mga empleyado ay pinapayagang mag-ulat sa pagitan ng 7 am – 7 pm. (Daris Jose)
-
HEALTH PROTOCOLS na MULA sa MEDICAL SOCIETIES, KAILANGAN IPATUPAD sa PUBLIC TRANSPORTATION
Inanunsyo ng DOH na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at ang medical societies para mapagusapan ang mga strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19. Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga hereral ang napapakinggan kundi yung galing din sa medical experts. Importante rin ang opinyon […]
-
M. Night Shyamalan’s Old Clip Teases Aged-Up Horror
A new clip has been released for M. Night Shyamalan’s Old that teases the horror of aging. The film is based on the graphic novel Sandcastle, which was written by Pierre-Oscar Lévy and Frederick Peeters. The story follows a family who finds out about a secluded beach where they feel they can properly enjoy their […]
-
Bong Go: ‘Di ako titigil sa pagseserbisyo
TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa sambayanang Pilipino na hindi siya magsasawa sa paglilingkod sa pagsasabing patuloy siyang magtatrabaho para sa mga walang pag-asa at mahihina. Sa isang interview matapos ang kanyang monitoring visit sa Malasakit Center sa Davao Oriental Provincial Medical Center sa Mati City, pinasalamatan ni Go si Senate […]