‘Floating employee’ maaring maghanap ng alternatibong trabaho – DOLE
- Published on November 6, 2020
- by @peoplesbalita
NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring maghanap ng alternatibong trabaho ang mga manggagawa na nasa “floating status.”
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez nakasaad sa DOLE’s Department Order (DO) No. 215, Series of 2020 na hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado kahit nakahanap sila ng alternatibong trabaho habang nasa “floating status.”
Ang DO na pinirmahan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III noong Oktubre 23 ay naglalaman ng pagpapalawak ng “floating status” sa mga manggagawa sa loob ng anim na buwan.
Nilinaw din ni Benavidez na maaari namang kwestiyunin ng mga labor group ang legalidad ng DO.
Pinaalalahanan din ng ahensiya ang mga employer na tulungang magproseso sa kaniyang mga contribution ang manggagawa na magkasakit at bigyan din ito ng tulong pinansyal.
-
Bagong subvariant maaaring dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region – OCTA
MAAARING nagdudulot ng kamakailang pagtaas ng mga bagong kaso sa National Capital Region (NCR) ang isang bagong subvariant ng COVID-19 ayon sa OCTA Research group. Inihayag ni OCTA fellow Guido David na hindi sila sigurado kung bakit may muling pagkabuhay sa mga kaso sa Metro Manila. Maaari itong maging bagong subvariant […]
-
West Philippine Sea nasa Google Maps na
NASA Google Maps na ngayon ang kanlurang bahagi ng South China Sea na tinatawag na West Philippine Sea. Kinilala ng Google Maps ang West Philippine Sea sa kanilang mapa na nasa lokasyon ng Scarborough o Panatag Shoal, pangisdaan na bahagi ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Ang tawag na West Philippine Sea […]
-
Strength talaga ng GMA ang comedy at game shows: MICHAEL V. at DINGDONG, nagbahagi ng kahulugan sa kanila ng ‘More Tawa, More Saya’
NGAYONG 2025, patuloy na nagdadala ng walang limitasyong tawanan at saya ang GMA Network sa mga manonood sa pamamagitan ng award-winning at top-rating comedy at game show nito. Inilunsad kamakailan ng GMA Entertainment Group’s Comedy, Infotainment, Game, at Reality Productions ang campaign na “More Tawa, More Saya”. Ang isang pangunahing highlight ng kampanya ay ang […]