• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Flood control project ng MMDA nakumpleto na

NATAPOS na ngayong taon ang kabuuang proyekto sa flood control ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na una nang binanggit ng Commission on Audit (COA) na naantala noong 2021.

 

 

Ipinaliwanag ni Engineer Baltazar Melgar, pinuno ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office (FCSMO), at kasalukuyang officer-in-charge ng MMDA, ang naka-program na 59 flood control projects sa Metro Manila para sa 2021 ay hindi natapos dahil sa pandemya at iba pang kadahilanan gaya ng mga isyu sa right-of-way; relokasyon ng mga pamilyang informal settler; pagbabago sa pagkakasunud-sunod dahil sa karagdagang mga item/realignment ng mga aktibidad batay sa kasalukuyang sitwasyon/kondisyon sa site sa pagpapatupad; at mga paghihigpit sa mobility ng manggagawa at kagamitan na dala ng pandemya.

 

 

Tiniyak ni Melgar na ­‘operational and serviceable’ na ngayong taon na unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon.

 

 

Ngayong tag-ulan na, ang lahat na 77 pumping stations ng ahesnya sa Metro Manila ay gumagana sa full capacity, aniya pa.

 

 

Gayundin, ang flood-mi­tigation activities para sa declogging at paglilinis ng daluyan ng tubig tulad ng mga estero at sapa na buong taon ginagawa. (Ara Romero)

Other News
  • JODI, tahimik lang at wala pang inaamin sa relasyon nila ni RAYMART kahit na patuloy ang pahaging ni CLAUDINE

    KAHIT na patuloy na may pahaging sa kanya si Claudine Barretto, tahimik lang si Jodi Sta. Maria.     In fairness, wala pa naman inaamin sina Jodi at Raymart Santiago, ang ex ni Claudine, sa kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.     Trabaho lang ang inaasikaso ni Jodi sa ngayon. Magtatapos […]

  • EJ Obiena wagi ng gold medal sa Sweden

    Nagwagi ng gold medal sa Philippine pole vaulter Ernest John Obiena sa Folksam Athletics Grand Prix na ginanap sa Gothenburg, Sweden.     Naging malinis ang performance nito sa 5.70 meters sa unang attempt nito.     Tinalo nito si defending Brazilian Olympic gold medalist Thiago Braz.     Mayroon pang dalawang torneo na sasalihan […]

  • SENIOR CITIZENS ID para sa PUBLIC TRANSPORTATION

    UMIIRAL pa rin ang 20 per cent discount sa public transport kahit na may 70 per cent maximum limit sa passenger capacity. May ilang senior citizen na pasahero na taga QC ang nagtatanong kung kikilalanin ng mga driver at konduktor ang bagong labas na QC card.  Bakit hindi? Nakalagay naman doon ang petsa ng kapanganakan […]