Florida ready i-host ang Olympics
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
Handa ang Florida na saluhin ang pagtataguyod ng Olympic Games sakaling mag-backout ang Tokyo, Japan bilang host.
Ipinaabot na ni Florida chief financial officer Jimmy Patronis ang intensiyon ng American state kay International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach.
“To encourage you to consider relocating the 2021 Olympics from Tokyo, Japan to the
United States of America, and more specifically to Florida,” ani Patronis.
Isa ang Florida sa pinagdausan ng matagumpay na restart ng NBA sa Walt Disney World na nasa Orlando kung saan nagkampeon ang Los Angeles Lakers noong nakaraang taon.
Handa ang Florida na ilatag ang mga requirements partikular na sa health protocols sakaling maipasa rito ang hosting. Gayunpaman, desidido ang Japan na ituloy ang Olympics dahil malaki na ang nagastos nito.
Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
-
Nakatulong ang pagpayag nina ZANJOE at JC: BELA, sinabihan na ready nang magdirek kaya in-accept ang kakaibang challenge
HINDI naman daw conscious choice para kay Bela Padilla ang pagdidirek niya ng pelikula. Ipalalabas via streaming sa Vivamax ang debut film niya titled 366 kung saan co-stars niya sina Zanjoe Marudo at JC Santos. “Maraming nagsasabi na ready na raw ako to direct and one of them is Boss Vic […]
-
Mga taga-MM na pupunta ng Tagaytay City kailangan pa ring kumuha ng travel pass-Malakanyang
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga residente ng Metro Manila na kailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass mula sa Philippine National Police kung pupunta ng Tagaytay City. Ang Tagaytay City ang itinuturing na top tourist destination sa Cavite province. Suportado ng Malakanyang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police […]
-
Updated guidelines laban sa mpox, inilabas ng DOH
Naglabas ang Department of Health (DOH) ng updated guidelines para mapigilan, ma-detect at mapangasiwaan ang mpox o dating tinatawag na monkeypox dito sa Pilipinas. Base sa inilabas na 8 pahinang Department Memorandum No. 2024-0306 na nilagdaan ni Health Secretary Ted Herbosa, pinapayuhan ang lahat na iwasan ang malapit na skin-to-skin contact gaya ng […]